Ordinaryo lang talaga, ha? God, how dare him. Talaga na sinabi pa nito sa kanya na marami na itong nadalang babae sa bahay nito. Hindi lang basta sinabi, ha—parang ipinagyabang pa. Anong gustong sabihin nito? Was he implying that she’s not attractive enough? Pinapalabas nitong hindi kagandahan ang katawan niya? She stared at her reflection in the mirror, mas mahaba kaysa sa dapat. Tinitigan niya ang sarili doon ng matagal, sinisipat mula ulo hanggang paa. Hinanap niya ang sinasabi nitong ordinaryong pangangatawan. Her curves. Her skin. Her hair. Ordinaryo? Really? She tilted her head, nagpose pa, as if convincing herself na hindi totoo. Nakakairita! Oo na, tanggap niyang nareject siya kanina. Pang-aakit failed. Mukhang hindi talaga siya pang-kontrabida. Hindi siya papasang pang-malandi r

