PINANLABANAN ni Graciella ang pag-agos ng luha habang mahigpit ang kapit niya sa manibela. Habang umaandar ang kotse, ramdam niya ang matinding puwersa ng sariling damdamin na parang gusto siyang pwersahang huminto, bumalik, at muling sumandal sa mga bisig ni Patrick. Ang hirap pigilan. Bawat kurba ng kalsada ay parang pader na humahadlang sa kanya, pilit siyang pinapabalik. Ngunit nagpatuloy siya. Matindi ang pagpipigil na ginawa niya para hindi bumigay at para hindi mabasa ng luha ang kanyang pisngi. Tears won’t help her. Alam niya iyon. Naranasan na niya ito dati—ang pagmamaneho nang mag-isa, ang luhaang mukha na halos hindi na makita ang daan. Noon, may hawak pa siyang bote ng alak, halos itapon na ang buhay niya sa isang maling desisyon. Ngayon, hindi. This time, she was sober. This

