Kung totoo ang ibinalita ni Gigi sa kanya, malaking problema nga ang kinakaharap ng kanyang ama. Iyon marahil ang dahilan kung bakit bumigay ang katawan nito at nagkasakit. Paulit-ulit na bumalik sa isip niya ang mga sandaling naging unfair ito sa kanya. Ilang beses siyang pinaramdam na parang outsider lamang siya. Ilang beses siyang ipinada na hindi siya top priority. At higit sa lahat, ilang beses niyang narinig mula rito mismo na hindi pa siya sapat para pagkatiwalaan ng buo. Pero kahit ganoon, hindi niya maalis ang mag-alala. Concerned pa rin siya. Concerned siya hindi lang dahil may posisyon siya sa Victorius at mahalaga iyon para mabuhay siya at manatili sa kanyang career, kundi dahil anak pa rin siya. Kadugo. Kahit pa anong sakit ang naidulot nito sa kanya, ama pa rin niya ito. At

