Iginala ni Graciella ang tingin sa suite na pinagdalhan sa kanya ni Patrick. Maluwang iyon, may carpeted floor na kulay cream, malalambot na sofa sa gilid, at isang king-size bed na halos lamunin ang kalahati ng kwarto. Sa may glass wall, kitang-kita niya ang buhos ng ulan, bumabagsak sa malalaking salamin na parang mga luha ng kalangitan. Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya. Nanginginig pa rin siya, hindi lang sa lamig kundi sa kilabot na iniwan ng sarili niyang kalandian. Sa lahat ng pagkakataon, doon pa ba talaga siya magpapadala? Sa ilalim ng ulan pa. Sa gitna ng malamig na hangin at buhos ng tubig, hinayaan niyang magtagpo ang mga labi nila ni Patrick. Parang eksena sa pelikula. Isang romantic cliché na matagal na niyang pinapanood sa mga rom-com pero ngayon ay

