Maaga akong gumising dahil may pasok ako, pagkatapos ko naligo at nagbihis, bumaba na ako para kumain ng agahan.Malapit na ako sa kusina, rinig ko na agad ang boses ni kuya Zack at ate Zia. "Isusumbong talaga kita kay Daddy, Ziandra!"galit na sabi ni kuya. "Good morning po,"bati ko sa kanila. "Zen, hatid na kita sa university, wala si manong ngayon,"ani ni kuya. Tumango lang ako kay kuya, naglagay lang ako ng isang slice na tinapay sa aking plato at nagsalin sa baso ng orange juice. "Ayaw mo mag-aral sa US, Zen?"tanong ni ate sa akin. Napabuntonghininga ako. "Tapusin ko lang po this year, doon ko na po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa States," "Baka ipapasok mo si Zen sa Assassin' malilintikan ka sa akin, Ziandra!"masama na tiningnan ni kuya si ate Zia. Tumawa lang si ate. Napap

