Hindi ko alam kung ano ang nais ipahiwatig ni Jaime sa akin na ang bilis ko makahanap.Ayoko umasa, lalo lang ako masasaktan. Dumagdag din sa isip ko ang ginawa ni Gold sa akin. Maligo muna ako bago bababa para kumain ng hapunan. After ko nagshower,bnagsuot na lang ako ng malaking t-shirt at cotton short.Pinatuyo ko muna ang buhok ko at bumaba na. Nag-iinuman pa rin sila ni Kuya. Pumasok na ako sa dining area at naabutan ko si yaya na naghahain. "Zen upo kana at kumain, tawagin ko lang si Kuya mo at mga kaibigan niya,"ani ni yaya. Tumango lang ako kay yaya. Umupo na ako at nagsandok ng konting kanin at nilagyan ko ng sabaw ng nilaga ang kanin ko. Napatingin ako sa pinto, papunta na sila kuya. Umupo sa tabi ko si Jaime.Napausod ako ng kaunti. "Zen, kumain ka ng gulay!"ani ni kuya

