CHAPTER 1
Nakatayong nag sisigawan sila Bea at Shina sa labas ng bar na pinapasukan ni Bea. Magkapatid silang dalawa at simula dati hindi na sila magkasundo sa isat isa.
"Tingnan mo nga naman oh dito kapala nagtatrabaho ano trabaho mo dito p****k?" may panlalait sa boses na sigaw ni shina.
Nagtinginan na ang mga tao sakanila ngunit walang pakealam si shina mas nilakasan niya pa ang boses niya.
"Kita niyo tong babaeng to?p****k to eh, kita niyo na di makaimik kase totoo HAHAHA" Sigaw niya sa maraming tao.
"Pwede ba umalis ka nalang kung manggugulo kalang naman" mahinahong sabi ni bea.
"At bakit?" may pagmamataas sa boses ng kapatid niya. "Nahihiya kaba na malaman nila yung totoo?HAHAHA".
"Unang una sa lahat hindi ako p****k, pangalawa waitress ako dito, pangatlo marangal tong trabaho ko kaya pwede ba umalis kana." aniya sabay tumalikod at naglakad palayo.
"Hoy! bea wag mokong tatalikuran!" Galit na sigaw ni shina sakanya.
Ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad nang biglang may sumabunot sakanya.
"Ano ba shinaa! bitawan mo ang buhok ko!" Sigaw niya.
"Ayuko nararapat lang sayo to! ang yabang mo na kase waitress kalang naman na p****k!" Galit na sigaw ni shina habang patuloy parin ang pagsasabunutan nila.
Lagi siyang inaapi ni shina bata palang sila, hindi siya lumalaban dito kasi siya lagi ang pinapagalitan ng mama nila dahil naiinis din ito sakanya, tanging ang papa niya lamang ang nagmamahal sakanya, ngunit dahil sa isang aksidente pumanaw ito. Wala ng nagtatanggol sakanya non kaya tiniis niya lahat ng pang aapi sakanya ng mama niya at ni shina.
Nung naka graduate siya ng highschool napagdesisyunan niyang umaalis sa poder ng mama niya at magtrabaho para may pangtustos siya sa pag aaral niya, pinagsasabay niya ang pag aaral at pagtatrabaho, lahat na ata ng racket pinapasok niya maliban lang sa mga masasamang gawain.
Ngunit kahit nakaalis na siya sakanila sinusundan parin siya nitong kapatid niya para guluhin.
Natigilan sila nang may nagsalita na lalaki sa harap nila. "Pwede ba tumigil na kayo! nagca-cause kayo ng g**o sa bar ko!" Sigaw ng lalaki sakanila na may ari ng bar.
Napahinto silang dalawa dahil sa sigaw ng lalaki.
"S-sorry sir"nakayukong sabi ni bea sa lalaki samantalang tumalikod lang si shina at naglakad palayo na parang walang nangyari.
"Ano mo yon?" Inis na sambit ng may ari ng bar.
"Kapatid ko po sir" sagot nya.
"Bakit dito kayo nag aaway? nakakahiya to sa mga customer ko." mahinahong saad ng lalaki.
"Ganun po talaga yon sir kahit saan ako magtrabaho pinupuntahan niya ako para guluhin, Sorry po hindi na mauulit" hiyang sambit niya.
"Well, sana nga hindi na maulit yung gulong yon, sige na bumalik kana sa trabaho mo". aniya sabay naglakad palayo.
Nakatingin lang si bea sa bulto ng boss niyang naglakad palayo sa kanya. Kahit na nakatalikod yon alam na alam niya na ang hot nito lalo na pag nakahubad.
"Hays ano ba beaa!! gumagana nanaman pagka marumi ng utak mo"tinampal niya ang noo niya dahil sa naiisip niya sa boss niya.
Napabuntong hininga nalamang siya at pumasok sa bar para magtrabaho.