Hindi ako nagsalita nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Pinili ko lang manahimik at titigan ang magandang tanawin na nasa aking harapan. Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa kaniyang leeg at hinayaan ang aking sarili na yakapin niya ako nang mahigpit. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag magkayakap kayo ng taong mahal mo. Wala kang ibang iisipin kung hindi ang mainit niyang yakap. Parang nawala rin iyong mga problemang iniisip ko dahil sa kaniyang yakap. Ni hindi ko nga alam kung paano ko gagawin ang pinaplano ko dahil nawawala na talaga sa isip ko ang bagay na iyon. Hindi ko matandaan kung ilang beses akong napahugot nang malalim na hininga pero alam kong nagtataka na sa akin si Gillean dahil tumigil siya sa paghaplos sa aking bewang. “May iniisip ka?” tanong niya sa akin. Kaya ki

