Kinalabit ko si Gillean nang may makita kaming magandang babae. Natatawa man ako dahil kahit gaano pa kabigat ang aking pagkalabit sa kaniya, hindi niya ako pinapansin. “May chicks nga!” pangungulit ko sa kaniya. Mabilis naman siyang lumingon sa akin at tumigil sa paglalakad. Nagtataka man ay bigla rin akong timigil at lumingon sa kaniya para magtanong sana kaso nakasalubong ko ang kaniyang mga matatalim na matang nakatitig sa akin. “Shut up or I’ll kiss you?” mariing tanong sa akin ni Gillean. Hindi naman ako makapagsalita sa naging tanong niya dahil masyado akong nagulat sa mukha niya. Dumilim kasi talaga ang mga mata niya at nabura ang kaniyang ngiti sa labi. Palagi naman siyang seryoso pero iba kasi ang dating niya ngayon. Kaya nakakagulat lalo pa at isang beses ko lamang siyang

