“Hey! Erie,” paglalambing niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Nanatili lamang akong nakatingin sa malayo habang siya ay patuloy sa pagkalabit sa akin. Hindi ako nakaalis kagabi rito. Ready na akong lumabas ngunit napigilan niya ako. Sa dami ng atraso niya sa akin, hindi ko man lang siya mabawian lalo na at mas malakas siya sa akin. Abutin lamang niya ang aking siko at hilain nang kaunti, matutumba na ako. Ganoon siya kalakas. Kaya wala akong ibang nagawa kung hindi kasama siyang natulog sa iisang kama. Ang galing lang dahil isang buong hotel ang nirentahan niya pero iisang kuwarto lang naman ang ginamit. Sobrang lakas magwaldas ng pera porket mayaman! Hindi man lang niya iniisip na mas mabuting ipangbili na lang ng pagkain kaysa ganito na magrerenta siya nang buong hotel. Ma

