Chapter 4

1265 Words
Gillean Luca Avena: I’m home. Napahawak ako sa aking noo nang mabasa ko ang kaniyang chat sa aking social media account. Hindi ako makapaniwalang nag-send siya ng chat kung gayon ay ilang beses lamang kaming nagkaroon ng interaction. Impit na napatili ako pero kalaunan ay napatigil ako dahil naalala kong hindi nga pala dapat ako kinikilig. “Hindi puwedeng ganito,” bulong ko sa aking sarili. “Dapat faithful lang ako sa mga asawa kong fictional character.” Ngunit bigla na naman akong natigilan nang tumunog naman ang aking cellphone. “Sinusubok ba ako ng tadhana?” bulong ko sa aking sarili nang lumitaw na naman ang chat ni Gillean sa aking screen. Gillean Luca Avena: Sleeping already? Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at kaagad na nagtipa. Ayaw ko naman sana talagang mag-reply sa kaniya pero paniguradong hindi ako tatantanan ng lalaking ito. Hindi ko alam. Pakiramdam ko lang kasi talaga ganoon ang ugali niya. Matigas ang ulo, palaging tama. Dapat nga ako ang palaging tama rito pero bakit naman si Gillean ang nagmumukhang palaging tama? Napairap na lamang ako at kaagad na nag-send ng message sa kaniya kahit na labag sa aking kalooban. Valerie Kaye Ruiz: No. Nagbabasa ako. Kaya huwag kang chat nang chat. Inirapan ko muli ang aking cellphone at kaagad na naghilamos ng mukha. Balak ko ring mag-half bath dahil pakiramdam ko ay malagkit ang pakiramdam ko kahit hindi naman ako pinagpawisan nang husto. Pagkatapos kong mag-half bath ay napatalon naman ako sa gulat dahil tumunog ang aking cellphone. Pagsilip na pagsilip ko, tumatawag pala ang lalaking iyon sa akin. Naging isang linya tuloy ang aking labi at hindi na nag-isip pa dahil kaagad kong sinagot ang tawag. “Ano na naman ba?!” pasigaw na tanong ko sa kaniya. Kaagad akong naglakad patungo sa aking kama dahil gusto ko nang mahiga. Medyo pagod din kasi ako at parang kailangan ko na ring matulog kahit na bukas ay wala naman kaming klase. Napasulyap ako sa aking screen pero nakita kong hindi pa naman niya ibinababa ang tawag. Wala rin kasi akong marinig at parang napindot lamang ni Gillean ang tawag. Kaya imbis na makipag-usap pa sa hangin ay mabilis kong pinatay iyon nang makatulog na ako kahit papaano. Huminga ako nang malalim at kaagad na humiga sa aking kama pero ang lalaking iyon, hindi pa nakuntento dahil tumawag muli sa akin. “Bakit mo pinatay ang tawag?” nagtatakang tanong niya sa akin. “Walang nagsasalita! Saka bakit ka ba tumawag? Nagbabasa ako,” palusot ko dahil baka sakaling maniwala sa akin. “Magbasa ka lang. Huwag mong patayin ang tawag,” bulong niya. Kaya napairap na naman ako nang wala sa oras dahil sa lalaking ito. Ang bossy pero hindi ko naman siya boss! Ang kapal ng mukha! Kung puwede lang manakal ay kanina ko pa ginawa kaso paano ko sasakalin? Hindi naman pumapasok ang kamay ko sa cellphone. Nakakagigil tuloy! Imbis na pansin pa ang sinabi niya at magsalita, hindi ko na ginawa at minabuti na lamang matulog. Pagkagising ko sa umaga ay bigla akong napatingin sa aking cellphone dahil katabi ko iyon. Ngunit parang nawala yata ang dugo sa aking mukha nang makita kong hindi pa namamatay ang tawag. May internet ang condo ko. Kaya hindi mabilis ma-lowbatt ang aking cellphone. Sa katunayan nga ay kaunti lang din ang nabawas sa battery niya. Kaya mas lalo akong ninerbyos. Possible kasing naiwan niyang nakabukas pa rin ang tawag. Hindi naman malabo iyon. Baka nakatulog na rin siya kaka-scroll sa cellphone niya dahil minsan ay ganoon din naman ako. Kaya naman para kunwari hindi siya magising, pinatay ko ang wifi ng aking cellphone para connecting ang kalalabasan. Ipinagbabawal na technique iyon para kung sakaling ayaw na may katawag, ganoon lang ang gagawin. Effective naman siya. Sana lang ay hindi makaramdam ang lalaking iyon. Hindi rin kasi ako kumportable sa kaniyang ginagawa. Kung makaasta kasi ay parang girlfriend niya ako. Kaya bahala siya riyan! “Ma’am, 43,000 pesos po,” wika ng cashier. Kaya naman mabilis kong hinalungkat ang aking card at akmang ibibigay na ang aking card kaso biglang lumitaw sa gilid ko si Gillean at ibinigay ang kaniyang card. Nalaglag naman ang panga ko sa kaniyang ginawa dahil paano niya nalamang nandito ako sa grocery?! Wala naman akong sinabi pero paano niya ako naamoy? Anong klaseng ilong ang mayroon siya? Kaagad kong sinulyapan ang kaniyang katawan at nakita kong nakasuot lang siya ng boxer at hoodie. Hindi na nahiya! Paano kung may lumitaw na elephant sa kaniyang boxer? Ang ikli-ikli! Napapatampal ka talaga ng noo kapag may kasama kang siraulo. “Thank you, Sir, Ma’am! Ingat po kayo!” biglang sambit ng cashier. Kinuha naman ni Gillean ang aking mga pinamili at parang hindi man lang nabigatan doon. Wala na kasi akong stock sa aking condo kaya naisipan kong bumili. Kaso nakaamoy ang lalaking ito at ang malala pa ay siya na ang nagbayad. Akala ko nga hanggang doon lang pero hindi naman pala. Sinadya pang buhatin ang aking nga ipinamili habang nakatingin sa akin nang seryoso. “Sana sinabi mo sa aking pupunta ka rito nang masamahan kita,” panenermon niya nang magsimula kaming maglakad. Nangunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang pinagsasabi at napilitan na lang manahimik. Wala akong panahon makipag-usap sa kaniya dahil ang tanging gusto ko lang ay ang makauwi na sa aking condo. Kaso mukhang hindi pa yata ako makakauwi nang maaga dahil mabilis siyang nagtawag ng isang lalaki at ibinigay ang kaniyang buhat-buhat na pinamili ko. “Pahatid ako nito,” saad ni Gillean sa lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay alagad niya ito dahil nga tinatawag siyang Sir. Pero ang mas nakakagulat ay sinabi niya pa kung aling hotel ang aking tinutuluyan at basta na lang pinaalis ang lalaki. Mas lalo tuloy akong naasar sa lalaking ito dahil masyadong pakialamero. “Dati ka bang kinulang sa atensyon?“ napipikon na tanong ko sa kaniya dahil hindi ko na talaga kayang pigilan ang inis ko. Bigla naman siyang sumulyap sa akin at mabilis na hinawakan ang aking siko bago maglakad. Hindi man lang niya sinagot ang tanong ko at basta na lamang ako hinila palayo sa exit ng mall! Kahit kailan talaga! Nakakainis! Hindi ko lang siya masigawan dahil paniguradong maraming mapapatingin sa gawi namin. Kaya imbis na magsalita pa ay itinikom ko na lamang ang aking labi at piniling magtimpi. Sinubukan ko ring bawiin ang aking siko pero hindi niya iyon binitawan at basta na lamang akong hinila habang kami ay naglalakad. “Saan ba tayo pupunta?” naiinis na tanong ko sa kaniya. “Kakain,” simpleng sagot niya. “Hindi pa ako kumain ng breakfast.” Halatang kagigising niya lang pero ang nakakainis kasi ay idadamay niya pa ako. Hindi ba siya makakain nang mag-isa at kailangang kasama pa niya ako? Hindi naman na siya bata para samahan pero kung maging bossy sa akin ay parang bata. “Hindi ko naman kasalanan,” bulong ko. “Kung sana ay hindi ka na lang lumitaw nang hindi ka nagugutom.” Wala akong narinig na salita sa kaniya at basta na lamang pumasok sa isang restaurant. Mabilis naman kaming nilapitan ng waiter at kaagad kaming inihatid sa bakanteng table para makapag-order at makaupo na kami. Matapos niyang mag-order ay lumingon siya sa akin. Hindi ko kasi ginalaw ang menu dahil hindi naman ako gutom. Gusto ko na kasing makaalis dahil marami pa akong gagawin sa condo ko. General cleaning ko kasi ngayon. Kaso mukhang mauudlot pa. “Mag-order ka na,” utos niya sa akin gamit ang kaniyang seryosong boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD