Chapter 5

1280 Words
Bigla akong napaangat ng aking ulo dahil naramdaman kong may umupo sa harapan ko. May bakanteng upuan kasi sa harapan ko. Kaya naman nakakagulat na may tumabi sa akin kung gayon ay ayaw naman nilang tumabi sa akin. Pero bumungad sa akin ang magulong buhok ni Gillean na akala mo ay hindi nagsuklay. Ang malala pa ay may dala itong dalawang order ng pizza. Akala mo naman ay mauubos niya ang order na ito! “Bawal kumain sa library,” sita ko sa kaniya dahil bawal talaga. Kaya hindi ko alam kung bakit nakalusot itong lalaking ito sa librarian kung gayon ay alam naman niyang bawal talaga. “Puwede. Ako ang boss,” simpleng wika niya na nagpaawang sa aking labi. Napansin ko ring may inilapag siyang iced coffee sa mesa na naging dahilan para lumuwa ang aking mga mata sa sobrang inis. Kahit kailan talaga, napaka niya! Ang bossy-bossy! Kahit saan ako magpunta, puro siya palagi ang nasusunod! Ganiyan madalas ang sinasabi niya. Ang kapal nga ng mukah dahil sumama pa sa akin pauwi at kung makaasta sa condo ko ay akala mo siya ang may-ari. Hindi ko naman siya inayang pumasok pero pumasok! Nakakapikon ugali niya. Kulang na lang ay pagsabihan ko nang kung ano hanggang sa maumay ako. Hindi na ako natutuwa sa kaniyang mga ginagawa. Kung pupuwede nga lang siya awayin ay ginawa ko na. “Ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko sa kaniya. Ngumisi lang naman siya sa akin at kaagad na binuksan ang box ng pizza. Naamoy ko tuloy iyon! Kahit hindi ako gutom, natakam pa ako. Sobrang nakakainis talaga ang ugali niya. Ang sarap bigwasan! “Eat,” utos na naman niya sa akin. “Ayaw ko. Bawal kumain dito,” pagmamatigas ko at kaagad na binasa muli ang libro. “Hilig mong magbasa ng libro, hindi naman lesson ang binabasa mo,” bigla niyang usal. Tinapunan ko naman siya nang masamang tingin dahil sa sobrang pikon ko. Kung makaasta naman itong lalaking ito, akala mo ay nagbabasa ng mga lesson. “Pinakialaman ba kita nang pinili mo ang music kaysa pag-aaral?” maanghang ngunit sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Hindi naman kita ipagpapalit. Ikaw naman palagi ang pipiliin ko,” seryosong pahayag niya na nagpahulog ng aking panga. Saan niya nakukuha ang bagay na iyan? Hindi ko tuloy alam kung matutuwa pa ako sa mga pinagsasabi niya o kung ano pero sobrang napipikon na ako sa kaniya. “Gillean, hindi ako nakikipagbiruan. Kung gusto mo ng kausap—” “Gusto kita,” diretsang pag-amin niya. “Gusto kitang patabain kaya kumain ka na.” Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata dahil kuhang-kuha na niya ang pasensya ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako napikon nang husto. Hindi naman ako naasar sa mga nangbu-bully sa akin pero bakit kapag si Gillean, kulang na lang maubos ang pasensya ko? Sagad na sagad na nga kung tutuusin pero itong lalaking ito, walang pakialam at parang gustong-gusto talaga niya ang ginagawang pang-aasar sa akin. “Gillean,” babala ko sa kaniya. “Kung hindi ka titigil, sisigaw ako.” “Go! Hindi naman kita pipigilan. Hindi rin lang naman sila magagalit sa akin,” hamon niya sa akin. Kaya mabilis akong napahilamos ng aking mukha at kaagad na pinagtuunan na lang ng pansin ang aking binabasa. Wala naman akong mapapala sa pakikipagbangayan kay Gillean. Uubusin at uubusin niya lamang ang pasensya ko. Kaya imbis na makipag-usap pa sa kaniya, minabuti ko na lamang basahin ang bagong librong binili ko kahapon. Mabuti nga at hindi nakaamoy si Gillean na nagpunta ako sa national bookstore para lamang bumili ng mga librong fiction. Syempre romance ang pinili ko. May nga mafia rin namang genre pero sa ngayon ay hindi ko trip basahin. Hindi pa ako nangangalahati sa chapter na binabasa ko nang maramdaman kong may tumabi sa akin at kaagad na hinawakan ang aking panga bago ipaharap sa kaniya. Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang makita ko kung gaano kalapit si Gillean sa aking mukha. Medyo nakaawang na rin nang kaunti ang aking bibig pero hanggang ngayon ay hindi ako mapakali. Natulala ako nang ilang minuto sa mga mata ni Gillean dahil parang may mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan hanggang sa naramdaman ko na lang ang pizza sa aking bibig na pilit niyang isinusubo. “Eat,” mariing utos niya. Kahit labag sa kalooban ko ang pagpipilit niya sa akin na kumain, sinunod ko na lang pero sinamaan ko pa rin ng tingin. “Good girl,” bulong niya at ngumisi pa nang mapang-asar. “Kailan mo ba ako tatantanan?” naiinis na tanong ko sa kaniya nang bigla na naman siyang pumasok sa aking condo. Balak na naman niyang tumambay rito at hindi na nahiya dahil alam naman niyang babae ako at hindi naman kami close. Feeling close lang siya! Kasi ano? Feeling bossy! Prenteng nakaupo ang lalaking kinaiinisan ko sa aking sofa at bahagyang nakangiti sa akin pero seryoso naman ang kaniyang mga mata. “Dito ako matutulog,” anunsyo niya na naging dahilan para mabitawan ko ang aking hawak na bag. Naglikha iyon nang malakas na tunog sa aking sala habang nakatitig ako sa lalaking nasa harapan ko na hindi man lang nabura ang ngisi sa kaniyang labi. “What?” pag-uulit ko dahil baka mamaya ay iba lang ang aking narinig. Ngunit gumuho ang aking mundo nang ulitin na naman niya ang kaniyang sinabi. “Dito nga ako matutulog,” mahinahon niyang ulit. “Bakit dito? Hindi ba may condo ka?” naninigurado kong tanong sa kaniya. Tumango naman siya at biglang itinaas ang kaniyang mga paa para tanggalin ang suot niyang black shoes. “Yes pero malayo. Kaya rito na lang ako matutulog,” bulong niya na para bang wala lang sa kaniya ang kaniyang sinasabi. “Gillean, babae ako,” hindi makapaniwalang bulong ko sa kaniya. “Ano na lang iisipin nila? Na boyfriend kita? Na live in na tayo? Na may nangyari sa atin?!” “Isipin nila ang gusto nilang isipin. I don’t care. Basta rito ako matutulog. Tapos ang usapan,” diretsang sambit niya at saka tumayo para tanggalin ang kaniyang suot na uniform. Bigla naman akong napatalikod dahil hindi ko gusto ang possible kong makita. For Pete’s sake! Hindi kami mag-asawa! Wala rin kaming relationship! Stranger siya sa akin! Kaya bakit ganito siya umasta? Ang malala ay wala pa siyang pakialam sa nga taong nakapaligid sa kaniya dahil ang gusto niya lamang ang palaging nasusunod! Hindi na ako natutuwa sa pagiging bossy niya dahil para na siyang spoiled brat! Akala ko, lumabas siya sa libro. Iyon bang mala-fictional character? Pero bakit nagkamali ako? Bakit parang sakit sa ulo ang lumabas sa libro? “Tatanda ako nang maaga sa iyo,” namomoblema kong bulong at padabog na nagpunta sa aking kuwarto. “At least sabay tayong tatanda,” pasigaw na sagot niya bago pa man ako makapasok sa aking kuwarto. Impit na napasigaw na lamang ako dahil sa sobrang inis sa lalaking iyon! Daig ko pa ang may alagang bata na akala mo ay sobrang spoiled! “Parang ayaw ko na tuloy lumabas ng kuwarto,” nanghihinang bulong ko sa aking sarili at napasandal na lamang aa aking pinto. Kumakalabog man ang aking puso ngunit hindi iyon dahil kinikilig ako. Dahil iyon sa sobrang inis! “Tanginang buhay naman ’to!” reklamo ko muli at basta na lang ini-lock ang pinto. Makaligo na nga lang! Baka sakali pang mabawasan ang init ng ulo ko! Ngunit bago pa man ako makapasok sa banyo, bigla na lang kumatok ang lalaking kinaiinisan ko sa pinto ng aking kuwarto. “Puwedeng makiligo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD