“Ang kapal talaga ng mukha!” sigaw ko dahil nagawa pa niyang kumain sa aking kusina nang hindi man lang sinasabi sa akin. Ang malala pa ay nagluto siya nang hindi man lang niya sinasabi sa akin! Akala ko ba matinong lalaki ito? Bakit naman hindi niya sinabi sa akin na nagluto siya? Wala akong pakialam kung siya ang nagbayad ng stocks ko dahil hindi ko naman iyon kasalanan. Siya naman ang nagkusa pero may balak pa lang makikain at makitulog? Akala mo condo niya kung makaasta pero hindi naman pala. Naging isang linya ang aking bibig dahil sa inis sa kaniya. Paanong hindi? Ang sarap ng kain niya sa ramyun! With seaweeds pa talaga, spam at itlog! Kulang na lang ay magluto siya ng kimchi rice niya o hindi kaya ay maglagay nang kung anong pagkain. Nakakainis talaga! “Let’s eat,” aya niya

