“Hindi maasim itong mangga,” bulong ko kay Gillean habang kumakain ng mangga na may alamang. Medyo hinog na ang mangga at hindi ko sigurado kung anong klaseng mangga ito. Hindi naman kasi ganito ang native na mangga. Kapag kasi native ito, kahit medyo hinog na, nandoon pa rin ang asim. Kaso kasi iyong pagkain ko ngayon, wala man lang kaasim-asim. “You don’t like it?” tanong ni Gillean sa akin. Napatango kaagad ako at mabilis na ibinigay sa kaniya ang plastic na naglalaman ng mangga. Mabilis naman niyang kinuha iyon habang ako naman ay mas piniling kunin ang shawarma at kinain ito. Bumili kami ng pagkain sa night market kanina. Tabi lang ito ng burnham park. Kung hindi ako nagkakamali, Harrison Road iyon banda at ang street ay Perfecto Street. Ang daming tao. Literal na siksikan at k

