Paglabas ko ng company, natanaw ko kaagad siyang nasa parking lot. Naninigarilyo na naman habang nakapamulsang nag-aabang sa mismong entrance ng company. Nang matanaw niya ako, hinulog niya ang sigarilyo at kaagad na inapakan ito para mamatay. Ibinaba ko naman ang tawag at dali-daling bumaba sa hagdan para puntahan siya. Sinalubong naman niya ako at mabilis ipinulupot ang aking mga bisig sa kaniyang leeg. Napatingkayad pa ako nang wala sa oras dahil ang tangkad talaga ng lalaking ito. Kulang na lang ay maging blocker siya sa isang volleyball team. Naramdaman ko namang ipinulupot niya ang kaniyang bisig sa aking bewang at hinalikan ang aking noo. Naamoy ko tuloy ang kaniyang hininga na pinaghalong sigarilyo at mint candy. Ultimo pabango niya, naihalo rin doon pero hindi naman nakakahi

