Nangunot ang aking noo habang pinapanood ko ang performance nilang apat. Nag-send sa akin si Gillean ng kanilang practice pero nagulat ako dahil parang ang tamlay nila. Kaya mabilis kong isinara ang video at kaagad na tinawagan si Gillean. Nasa company ako ngayon at sinubukan kong magbasa ng mga document pero mabilis akong na-distract dahil nga sa video. Ibang-iba kasi sila habang nagpa-practice. Hindi sila nag-e-enjoy at parang cold ang atmosphere. Napilitan tuloy ang tawagan si Gillean dahil nagtataka talaga ako. Para kasi silang magkakaaway or parang may cold war? Hindi ko alam kung mali lang ba ang naiisip ko o kung ano pero sobrang weird kasi talaga lalo na ngayon. Kaya humugot ako nang malalim na hininga nang sagutin ni Gillean ang aking tawag. Video call ang ginawa ko dahil o

