Inirapan ko siya matapos niyang sabihin ang bagay na iyon. Banat nang banat! Akala mo naman natutuwa ako sa mga pinagsasabi niya. Tingin niya ba ay hindi ako naiinis sa pagsasabi niya nang ganoon? Minabuti ko na lang ipagpatuloy ang pagkain ko nang hindi nagpapa-apekto sa lalaking ito. Mabuti na nga lang at hindi na niya sinundan ang kaniyang banat dahil baka mamaya ay makurot ko na talaga siya. Pagkatapos kumain ay medyo humugot ako nang malalim na hininga dahil nakaramdam ako ng busog. Pakiramdam ko nga ay hindi ako nakakahinga nang maayos. Kaya minabuti kong isandal na lamang ang aking likod sa upuan habang nakatingin sa malayo. “Erie,” tawag niya sa aking pangalan. Napalingon ako sa kaniya at nakita kong nakatitig pala siya sa akin nang sobrang seryoso. Nanuyo naman ang aking lala

