Chapter 9

1350 Words

“Siraulo ka ba?” mabilis kong tanong sa kaniya. Ngunit mabilis lamang niyang kinuha ang aking kamay at kaagad akong hinila para maglakad na. Napaawang ang aking labi dahil dire-diretso lang ang kaniyang lakad na para bang walang balak tumigil. Alam kong maraming napapasulyap sa gawi namin lalo na at sikat naman si Gillean dahil nga sa angking galing nito sa sports at saka pagkanta’t pagtugtog. Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na lamang naglakad para sundan siya. Iniyuko ko rin nang bahagya ang aking ulo dahil sa takot na baka mamaya ay kung ano ang kanilang mga maisip. Magkahawak kasi kami ng kamay ni Gillean habang naglalakad. Kaya nahihiya ako dahil paniguradong pagbubuntunan na naman nila ang ng galit nila. Kaya nga madalas ako sa library magtungo noon at sa pinakadul

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD