Napaawang ang aking bibig sa binitawang salita ni Gillean. Hindi ko alam kung bakit niya nasabing huwag akong sasama sa ibang lalaki kung gayon na mailap naman ako sa kung sino maliban sa kaniya. Makulit kasi siya at kahit ano ang aking gawin, hindi siya tumitigil. Ngunit ngayong nakikita ko ang emosyong naglalaro sa kaniyang mga mata na matagal kong hindi matukoy kung ano iyon, unti-unti kong naiintindihan ang lahat. Sumagi kasi sa aking isipan ang kaniyang binitawang salita kanina bago ako pumasok sa comfort room. Salitang hindi ko alam na kusang lalabas sa bibig niya. Umahon ang kaba sa aking puso dahil baka mamaya ay nagbibiro lamang siya at gagawin niya iyon para ipagkalat sa kung sino at baka bigla niyang baliktarin kung sino ang nanggugulo at kung sino ang nagsabi ang salitang ma

