Humikab ako habang nagbabasa ng document. Wala ako sa office ko ngayon dahil pinili kong magbakasyon para magpahinga. Nawawalan na kasi kami ng time sa isa’t isa ni Gillean. Kung man naming magkaroon ng bonding, hindi namin nagagawa dahil pagod ako o pagod siya. Ang nakakapagtaka lang ay wala si Gillean ngayon. Kaya napilitan akong magbasa ng document na inuwi ko kahapon. Hindi ko lang sigurado kung nasaan si Gillean. Kung nasa company ba siya, nasa practice nila or kung ano. Matapos kasi naming mag-almusal, lumabas na siya ng condo at nagpaalam sa akin. Hindi man lang sinabi kung uuwi ba siya kaagad mamayang gabi o kung ano. Masakit, yes. Kasi hindi ko alam kung may nagbabago ba sa relasyon namin o baka masyado lang naging mabilis ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung tungkol ba ito s

