Kinagat ko ang aking ibabang labi nang halikan ako ni Gillean sa aking ulo habang ako ay nagluluto ng agahan namin. Matapos naming kumain kagabi, wala kaming naging imik. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa bagay na iyon pero pinili kong manahimik dahil hindi naman importante ang bagay na iyon lalo na ngayon na alam ko namang busy siya sa business nila. Yes, masakit kasi ganoon ang nangyayari sa relasyon namin pero ayos lang dahil wala naman akong magawa kung hindi intindihin siya at huwag maging mahigpit sa kaniya. May sarili naman kasi siyang desisyon at ganoon din ako. As long as walang nasasaktan at may boundaries kami sa ibang tao, ayos lang. Siguro naging O.A. lang ako sa part na ’yon. Kung sabagay, medyo na-hurt din naman ako sa nangyari lalo pa at pinagkamalan kasi ni Kiara na

