Kinagat ko ang aking ibabang labi nang makaramdam ako nang pagkahilo. Kaya itinigil ko na almanga ng pagbabasa ng document at kaagad na isinandal na lang ang aking likuran sa swivel chair. Pagkatapos naming magkaroon ng bonding pagkatapos ng araw na nalaman kong may nakausap na babae si Gillean at inakala ni Kiara na girlfriend niya iyon, well, we did it again. Hindi naman sa biglaan ang bagay na iyon pero nag-e-expect na akong magagawa namin ang bagay na iyon lalo pa at doon lang ulit kami nagkaroon ng time. Mabilis din lumipas ang oras dahil naging busy na kami noong sumunod na linggo hanggang sa inabot nang tatlong linggo ang pagiging hands-on namin sa mga business namin. Tumigil na rin muna sina Gillean sa pagtanggap ng gig at concert nila dahil kinakailangan din nilang mag-focus s

