Umirap na naman ako nang mapansin kong maraming kumakausap kay Gillean na saleslady. Iisang tao lang naman ang customer nilalapitan nila at hindi na nilapitan ang ibang customer. Kaya mas lalong napapaangat ang kilay ko dahil bakit hindi nila pinapansin ang ibang customer na balak bumili? Gets ko naman na sikat si Gillean pero sana ay pansinin naman nila ang ibang customer nila lalo na at bibili rin naman sila. “What the heck are you all doing? May mga customer pa naman kayong iba pero nagkumpulan na kayo rito?” mataray na tanong ko sa kanila. “I-assist niyo rin ang ibang tao. Hindi lang siya. Hindi niyo ba napapansin na maraming pumapasok na customer at namimili ng mga pabango?” Tinuro ko ang mga taong kapapasok lamang at mga kanina pa namimili pero halatang nahihirapan sila. Naramdam

