“Valerie,” masayang bati sa akin ni Kiara nang kami ay magkita. Nakangiti lang naman ako sa kaniya habang siya ay halos hindi na mabura sa kaniyang mukha ang kaniyang malaking ngiti sa labi. Matagal noong huli kaming mag-usap sa personal. Kapag sa social media account naman namin, sobrang hirap din siyang kausapin dahil busy talaga siya. Unlike sa akin na kapag nalaman ni Daddy na kumukulo na naman ang dugo ko, siya na naman ang magtatrabaho. Nakakapag-scroll naman ako sa mga social media accounts ko pero hindi ako ganoon ka-active dahil nabuburyo ako nang sobra. “Mabuti nagkita ulit tayo! Miss na kitang kausap!” saad niya sa akin at mabilis na ipinulupot ang kaniyang bisig sa aking bisig. Kulang na lang ay hilain niya ako papunta sa kaniyang office. Minabuti ko kasing bumisita rito d

