“Erie,” tawag sa akin ni Gillean nang makauwi ako sa condo. Sinundo niya ako kanina sa office pero dahil may sasakyan akong dala, nagmaneho na lamang ako dahil ayaw kong makasama siya sa iisang sasakyan o lugar. Kapag naaalala ko kasi ang mukha ni Gillean, hindi ko maiwasang mapaisip kung sinong babae ang kinakausap niya. Actually, wala naman akong balak magpunta rito sa condo dahil ayaw ko siyang makita. Ayaw ko ring nararamdaman ko ang presensya niya dahil napipikon lamang ako. Ramdam ko pa rin ang sakit na naiwan sa puso ko dahil sa naririnig ko kay Kiara. Noong binuksan ko ang social media account ko, may mga lumitaw nga na picture nila na masayang nagtatawanan. Sa madaling salita, pinagpipiyestahan sila ng mga tao sa internet. Paanong hindi? Ang ganda kasi ng ngiti nila parehas h

