“Anak,” tawag ni Daddy sa akin nang lumitaw siya sa office ko. Lumingon naman ako sa kaniya at napansin ko ang pagiging kalmado niya ngunit gusto naman niyang magalit. Halata kasi sa mga mata niya ang mga emosyon na hindi niya maitago-tago sa akin ngunit pinili pa rin niyang maging kalmado. “Mas mabuti pa sigurong magpahinga ka na muna,” pag-aaya niya sa akin. Panigurado kasing nakarating na naman sa kaniya na nagagalit na naman ako o nasusungitan ko na naman ang mga employee namin. Maliit lang na bagay ang dahilan pero hindi ko alam kung bakit iritang-irita ako sa kanilang lahat to the point na hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Parang may kumokontrol na hindi ko maintindihan. Kaya malamang ay todo backup na naman si Daddy kahit na dapa

