Pinalobo ko ang aking pisngi habang nanonood ng anime sa aking cellphone. Imbis na magtrabaho, ganito ang ginagawa ko ngayon. Siguro nga ay pinapanood na ako ng mga document ko ngayon sa mesa dahil sa ginagawa ko ngayon. Paano ba naman kasi? May dala na akong curls at mangga habang nanonood. Wala na akong pakialam kung magmukha akong tamad ngayon. Hindi ako makapag-focus sa pagbabasa ng document, eh. Alangan namang pilitin ko? Habang kumakain, napapansin kong ilaw nang ilaw ang isa kong cellphone. Naka-silent kasi iyon dahil ayaw kong maistorbo pero mas lalo naman akong naiistorbo ngayon. Kaya napilitan akong i-pause muna ang aking pinapanood para tingnan kung sino ang tumatawag o nagse-send ng message. Nang makita ko kung sino iyon, napairap na lamang ako na halos mahilo na naman ako

