“Mommy,” tawag ko kay Mommy nang makita ko siya. Wala na si Gillean ngayon sa condo at minabuti naman ni Mommy na magpunta rito sa condo namin dahil isinumbong na naman ni Gillean sa mga magulang ko na ayaw kong kumain. Gusto nga ni Gillean na maiwan sana rito para raw siya ang magpakain sa akin pero inayawan ko dahil naiinis ako sa kaniya. Malaki ang kasalanan niya sa akin at bukod pa roon, napipikon ako sa kaniya dahil kung umasta siya ay parang wala siyang nagawang mali pero ang totoo ay mayroon naman talaga. Lumingon sa akin si Mommy habang nagluluto pero hindi ko nagustuhan ang amoy. Spaghetti yata kasi iyon na may bawang. Hindi ko pa naman hilig ang spaghetti na may bawang o hindi kaya ay sibuyas. Ang gusto ko lang ay ang hotdog na may tomato sauce at kung anu-ano pang pangpala

