Pagdating ko sa meeting place namin ni Kiara, bigla kong namataan ang pamilyar na kotse sa may harapan ng restaurant. Hindi ko alam kung same na kulay lang. Kaya talagang hinihintay kong lumitaw ang plate number kasi baka mamaya ay si Gillean iyon. Kaso kahit anong pilit ko kasi ay hindi ko talaga makita dahil may mga nakaharang na halaman. Pikon na pumasok ako sa Jollibee. Jolly nga ang fast food na ito pero hindi naman ako masaya pagkapasok ko. Tapos sasamahan pa ni Kiara na sobrang tagal lumitaw. Akala mo naman ay nasa thirty minutes ang paghihintay namin. Umirap na lamang ako at mabilis na pumila sa counter dahil wala pa naman masyadong tao rito. Sakto lang kung tutuusin dahil marami ring bakanteng table. Puwede ko namang tawagan na lang si Kiara kung ano ang kakainin niya pero i

