“Mom,” tawag ko sa kaniya nang ako ay makarating sa bahay. Bakasyon na namin bukas. Kaya naisipan kong umuwi dahil kinakailangan ko ring kamustahin ang mga magulang ko. Ayaw ko rin namang matulog sa condo ko kahit na wala naman na akong pasok sa susunod na araw. Nami-miss ko na rin ang luto ni Mommy. Umay na umay na rin kasi ako sa fast food restaurant. Palagi na lang iyon ang kinakain ko sa tuwing tinatamad akong magluto. Iba kasi kapag mismong magulang mo ang magluluto ng pagkain. Nakaka-miss iyong lasa at bukod pa roon ay nasusulit mong kumain talaga ng kanin. Hindi kagaya kapag ako mismo ang nagluluto dahil isang subo pa lang ng kanin, busog na ako. Siguro dahil ako ang nagluluto kaya nauumay na kaagad ako o nawawalan ng gana. Ngunit dahil alam ko namang mahirap magsayang ng pagk

