“Gillean!” masayang salubong ni Mommy kay Gillean nang siya ay makapasok sa aming bahay. Niyakap pa ni Mommy si Gillean habang ako ay tulala lamang sa mga nangyayari. Ang buong akala ko ay hindi siya pupunta ngayon dito sa bahay pero ngayon ay nakakagulat dahil nandito talaga siya sa harapan ko at masayang tinanggap pa ang mainit na yakap ni Mommy sa kaniya. “Naku! Mabuti talaga at naisipan mong bumisita ngayon dito!” wika ni Mommy nang siya ay humiwalay kay Gillean. Paalis na sana ako ngayon kasama si Daddy dahil kinakailangan kong sumama at para na rin matuto sa mga gawain mismo sa company pero dahil lumitaw si Gillean sa aming bahay, napasulyap ako kay Daddy na ngayon ay seryosong inaayos ang kaniyang suot na necktie. “Dad,” tawag ko sa kaniya para siguraduhin na isasama niya talaga

