Chapter 7

1027 Words

Akmang tatayo sana ako para buksan ang pintuan nang nauna na ang Tita ni Rika. "Ako na, hija. Maupo ka na lang diyan." Gaya ng sabi niya ay umupo na lang ako. "Si Indigo 'yon 'no? I think she likes you for real," sabi niya na ikana-irap ko sa kawalan. "Sinabi ko naman sa'yo kanina. Hindi ka lang talaga naniniwala, tsk." "Oo na," sabi niya at bahagya pa akong hinampas sa kamay. Hindi na ako nagsalita pa dahil pinapakiramdaman ko kung papapasukin ba siya rito. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Bago ako lumuwas dito ang naisip ko lang talaga ay ang makapagtrabaho para kina Mama. This is unexpected. "Pinky!" sigaw ng Tita ni Rika. "Po? Bakit po?" tanong ko sa kaniya ng hindi umaalis sa kinauupuan ko. "Pumunta ka rito, gusto ka raw makausap ng bisita mo." Tumayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD