Chapter 6

1113 Words
"Maraming salamat sa lunch, Sir Evans." May ngiting sabi ko nang nasa harapan na kami ng classroom ko. "Okay na kanina e, bakit may 'Sir' na naman?" Nakangiti pa rin ako. Ano bang dapat kong sabihin? "Anyway, you're welcome. May kasabay ka ba pauwi?" tanong niya sa akin. "Uhm, si Ma'am Rika." Tumango-tango ito. "Okay, then. Mauna na ako, may klasi pa pala ako." Bahagya siyang natawa sa tinuran niya. "Sige, see you around." Ngumiti lang ito sa akin at umalis na. Tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad papalayo sa akin. Kahit likod alam mong guwapo e. "Hay! Sir Evans! Ang puso ko," sabi ko habang nag-i-stretching papasok sa loob ng classroom ko. "Ang sayo niyo, ha." Natigil ako sa pag-i-stretching nang marinig ko ang boses na 'yon. "Why are you here, dear student?" tanong ko sa kaniya at umupo ako sa upuan ko na may table desk. Nakaupo siya sa upuan ng mga bata. Nakatingin lang ako sa kaniya at ganon din siya. Ano naman kaya ang pakay nito? "I'm here because my love is here," sabi niya nang hindi pa rin tinatanggal ang tingin niya sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita. Sino pa ba ang nandito maliban sa akin? Ayoko ang nasa isipan ko. "Wala ka bang pasok?" "So, you like Sir Evans? huh?" Isinandal ko ang likod ko sa upuan ko. "Bakit mo tinatanong? Ano naman kung, Oo?" "Are you sure?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya. "Yup. He's my ideal man but hindi ko muna iniisip 'yon. At wala akong panahon para ikwento sa'yo ang talambuhay ko." Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko pati ang lagayan ng laptop ko. "May gagawin ka pa ba rito? Aalis na kasi ako," sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin at parang nararamdaman ko na medyo galit siya sa akin? "Wala, sasabay na ako sa'yo pauwi." Nauna na siyang lumabas. Nang masiguro kong okay na ang lahat sa loob ng classroom ay isinara ko na ang pintuan nitong room. Napabuntonghininga pa ako. "Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Wala ka bang pasok?" tanong ko sa kaniya at hinarap siya. "Wala, Miss. Sabay na ako sa'yo," sabi niya. "Bakit ka sasabay sa akin? Wala naman akong sariling sasakyan." Dahilan ko sa kaniya at nagsimula na akong maglakad, sumunod naman siya sa akin. "Miss, ako na ang magdadala sa laptop mo." "Sigurado ka?" Tumango siya at ibinigay ko naman ito sa kaniya. Nabibigatan din naman kasi ako. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa nang maalala kong hindi nga pala pumasok si Alex. Baka alam niya kung bakit. "Matanong ko lang, Indigo. Bakit hindi pala pumasok si Alex?" Napatingin siya sa akin at nakita kong namumula ang pisngi niya. He's blushing? "Masakit daw ang tiyan niya, Miss." "Bakit namumula ka? May allergy ka ba or what?" Kitang-kita kasi ito dahil medyo may kaputian siya. "Ha? Wala, wala lang 'to." Iniwas niya ang tingin niya sa akin, binalewala ko na lang. "Hala, si Indigo 'yan 'di ba?" Napatingin ako sa isang grupo ng babae na nadaanan namin. Narinig ko kasi ang pag-uusap nila. "Oo, besh! Ang guwapo niya! Kyahhhh!" "Truelala, besh." "Pero may kasama siyang teacher at mukhang bata pa." "Hoy, besh! Teacher 'yan kaya wala silang pag-asa." "May tama ka, besh. Sa atin pa rin si Indigo! Kyahhh!" Bahagya akong natawa sa mga narinig ko. Hindi ako naka-uniform pero alam nila na Teacher ako, thanks to my ID. "Don't mind them. Why are you smiling?" tanong niya. "Wala naman." "Tuwang-tuwa ka ba kasi hindi tayo puwede?" Nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niyang 'yon. Tumigil ako sa paglalakad at mabuti na lang ay walang mga estudyante dito sa pwesto namin. "Anong ibig mong sabihin? Magsabi ka ng totoo, Indigo. May gusto ka ba sa akin?" Seryosong tanong ko at nakatingin ako sa kaniya. "Oo, gusto kita." Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Gaya ko ay nahihimigan ko sa tono ng boses niya ang pagkaseryoso. Nang sabihin niya 'yon at tumingin ako sa paligid namin dahil baka may nakarinig sa sinabi niya. Ang kinatatakutan ko ay baka isang teacher pa na katulad ko ang makarinig. Hindi ko kakayanin kung ano ang mangyayari sa akin. "Hindi. Infatuation lang 'yan, mawawala rin 'yan. Please lang, hanggat maaari huwag kang magkagusto sa akin. Indigo, naiintindihan mo ba ako?" "No, I don't think this is just a infatuation." Napailing ako sa sinabi niya. "Hindi ito maaari, please lang. Huwag ako—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may bigla na lang nagsalita. "What's happening here?" si Rika. Kita ko sa mga mata niya ang paglipat-lipat niya ng tingin sa aming dalawa ni Indigo. Hinawakan ko sa braso si Rika at inilayo ko siya kay Indigo. Lumabas kami ng University. "Anong meron, Pinks?" tanong niya at binitiwan ko na siya. "Puwede bang umuwi na tayo? Doon ko na lang sasabihin ang lahat sayo." Tumango ito at agad siya pumara ng masasakyan namin. Habang nasa biyahe kami ay hindi ako mapakali dahil baka may iba pang nakarinig doon sa sinabi ni Indigo maliban kay Rika. Sana wala na. Pagkapasok namin sa loob ng apartment ay sabay na umupo kami sa dinning area nito. "So, anong meron sa nakita ko kanina?" tanong niya. "Narinig mo ba yung sinabi niya?" Napakunot ang dalawa niyang kilay. "Wala naman akong narinig. Nakita ko lang kayo kaya lumapit ako sa inyo." Doon ako tuluyang nakahinga ng maluwag. "Paano na 'to, Rika? Tulungan mo ako, please," sabi ko na mas ikinalito niya. "Saan naman? Care to explain?" "A-Ano kasi...si Indigo he likes me. Alam ko naman ang gagawin ko e, pero pinapangunahan ako ng kaba at takot ko. Alam mo naman ang mangyayari kapag nalaman ng lahat ito 'di ba?" Ngumiti siya sa akin. "Masyadong kang advance!" Ngayon ay tumatawa na siya na parang nag-joke ako at bentang-benta sa kaniya. "Bakit? Mas okay na 'yon kaysa lumala pa. Habang maaga pa kailangan ng ayusin para walang problema sa huli." Natigil siya sa pagtawa nang sabihin ko 'yon. Wala pa 'kong isang buwan na nagtuturo sa University na 'yon ay ganito na agad ang sitwasyon ko. Hay bakit ko ba na-encounter ang estudyanteng 'yon! Ang yama niya naman e! "Tama ka, Pinks. Pero wala akong maitutulong, hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na tigilan ka dahil lang do'n. Tandaan mo anak siya ng isa sa mga shareholder baka..." hindi niya tinuloy ang sasabihin niya dahil nakuha ko na ang point niya. Napahilamos ako sa sariling kong mukha at malalim na humiga. Sabay kaming napatingin sa front door ng apartment nang may kumatok rito. "Tao po!" Napapikit ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Anong ginagawa niya rito? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD