"Pinky! Anong nangyari sayo?" tanong sa akin ng Tita ni Rika. Nasa labas kasi siya at papasok na rin. Nakita niya siguro na may hawak akong panyo sa ulo ko. "Nauntog lang po sa tricycle, may nadaan po kasi kaming sirang daan." Nang dahil sa babaeng 'yon, nakapagsinungaling pa ako. Basta ayoko lang din na mag-alala sila. "Sa susunod, hija mag-iingat ka ha?" Tumango ako, "Opo, pasok na po tayo." Tinulangan ko pa si Tita sa mga dala niya at pagkatapos ay pumasok na rin ako sa room ko. Agad akong pumunta sa cr para linisin ang ulo ko, naghilamos na rin ako. Yung babae talagang 'yon pasalamat siya at mabait ako. Ayoko rin kasing banggitin ito kay Evans. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Nakita kong may text messsage sa akin si Evans. Nakalimutan ko nga pala

