Pagkatapos kong magpadala ng pera kina Mama ay agad na akong umuwi. Nag-text din ako sa kanila na nagpadala na ako. Ayokong sabihin sa kanila na kung minsan ay nagigipit din ako rito, lalo na at nagrerent ako ng apartment. Mabuti na lang at kakilala ko ang may-ari ayon nga ang Tita ni Rika. Hindi ko na sinabi kay Evans na nakita ko ang ex niya, ayoko na lang ng gulo. Busy na rin naman siya about sa school pati rin pala ako. "Uy, ang lalim yata ng iniisip mo?" untag sa akin ni Rika, nasa faculty ako ngayon at natapos ko na ang ilang mga lesson plan na ginawa ko. "Ha? Natulala lang. By the way, may balak ka bang umuwi sa probinsya?" "Hindi ko pa alam pero for sure uuwi ako, namimiss ko na rin doon e." "Ako rin pero kailangan ko 'tong trabaho." Pagkatapos ng usapan naming 'yon ay balik

