Nakauwi na kami ni Rika galing school. Napag-meeting-an namin na may gagawing field trip nga para sa mga bata bago ang exam nila. "Feeling ko, kakaunti lang ang sasama ngayong school year," sabi ni Rika habang kumakain kami ng dinner. "Huh? Dahil ba strict ang parents? Kasi mga bata pa ang mga 'yon," sabi ko sa kaniya at sumubo ako ng kanin. "Isa rin 'yan sa dahilan lalo na't halos sa kanila ay mayaman ang magulang." Tumango-tango na lang ako sa mga sinasabi niya. Hanggang sa mapunta na naman kay Evans ang usapan. Muntikan na akong masamid nang umiinom ako ng tubig dahil sa tanong niya. "So, hindi ka pa ba nililigawan ni Sir Evans?" kuryosong tanong niya. "Rika naman, hindi 'no! Ilang linggo ko pa lang siyang nakakasama, ligaw agad?" Natawa siya sa sinabi ko. "Napaka-defensiv

