Pagkapasok pa lang namin sa isang resto bar ay may naamoy na agad akong usok ng sigarilyo na nagpaubo sa akin. Napatingin sa akin si Rika, bahagya akong ngumiti sa kaniya para sabihin na okay lang ako. Panay ang tingin ko sa paligid ko at kung minsan ay may napapatingin din sa akin, agad kong iniiwas ang tingin ko. "Hey, are you okay?" lumapit sa akin si Evans at tinanong niya 'yon. "Pasensya na talaga. Sir Evans, mukhang hindi komportable si Pinky." Lumapit na rin sa amin si Rika at sinabi niya 'yon. Napagdesisyonan namin na lumabas na lang doon at ihahatid na kami pauwi ni Evans. Nalungkot ako dahil mukhang ako ang dahilan kaya uuwi kami ngayon. "I'm so—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita rin si Evans habang nasa biyahe na kami. "It's okay. Para makapagpahinga ka

