Kanina pa tapos ang klasi ko pero hindi ko alam kung pupunta ba ako dahil sa text na 'yon. Nasabi ko na rin ito kay Rika ang sabi niya ay puntahan ko raw baka kasi importante talaga. Wala kasi siya ngayon kaya hindi niya ako masamahan. Biglaan din kasi ang alis nila ni Ismael, mabuti na lang at nakapagpaalam naman siya na hindi papasok. Thirty minutes pa bago mag-alas-dose. Wala naman sigurong mangyayaring masama kung pupunta ako 'di ba? Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. Alam ko naman yung cafe na sinasabi niya, malapit lang ito sa school. Lalakaran ko na lang. Bago ako tuluyang makalabas ng school ay nakita ako ni Evans. "Saan ka pupunta?" tanong niya. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya yung tungkol sa text. "May pupuntahan lang at bibilhin sa labas. Sige na, mauna na ako. Bye."

