Mabuti na lang at hindi na kami matagal na naghintay sa harapan. Mga ilang segundo lang ang lumipas ay dumating na rin si Indigo. Hindi ko nga alam kung uupo ba ako sa frontseat o sa backseat na lang. Dahil sa likod pumasok si Rika ay wala akong choice kundi sa harapan ako. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang din ang bawat isa. Hanggang sa binasag ni Indigo ang katahimikan. "Okay lang po ba kayo?" tanong niya sa amin. "Ayos lang kami, Indigo. Na-e-excite nga ako e, may palaro ba roon?" tanong ni Rika at palihim akong napapangiti. Paano ba naman ay tinanong niya talaga 'yon. "Yes po, marami. Puwede po kayong sumali," sabi naman ni Indigo. Hindi ko na kinaya kaya natawa ako bigla, natigil lang ako dahil napatingin sa akin si Indigo. "Oh, sorry." "Ayos lang, gusto mo rin bang sumal

