CHAPTER 06: First Encounter

971 Words
“Ilabas mo na.” “Anong ilalabas?” “Tanga ka ba, ano pa edi ‘yung diwang espada mo.” “Huh, wala akong ganon, isa pa hindi ko pa nagagawang ipamalas ang diwang espada ko.” “Labing-anim na taon ka na pero hindi mo pa rin alam magpamalas ng sarili mong diwang espada? . . . Ah basta ipapamalas mo o bibitawan kita.” “Wag, wag. Hindi talaga ako marunong kung paano gumamit ng diwang espada, palagi lang akong tumatakas tuwing nag-eensayo kami ni Mana kasama si papa kaya wala akong alam sa ganong bagay.” “Tch, bahala ka —” “Wag!” Tuloy-tuloy ang pagkahulog ni Hiraya mula sa pinakamataas na bahagi ng himpapawid pababa. Dahil sa pagkataranta ay wala siyang ibang nagawa kundi ikaway-kaway na lamang ang kanyang mga braso habang patuloy ang kanyang pagbulusok, sigaw rin siya nang sigaw kasabay nun. Habang patuloy ang pagbagsak ni Hiraya ay nakadungaw lamang sa itaas ang lalaki habang malapad ang ngiti nito sa labi maya-maya lang din ay agad na rin itong lumisan saka lumipad sakay sa kanyang diwang espada pabalik sa lugar na pinanggalingan nilang dalawa kanina. Ngunit ngayon ay mag-isa na lamang itong babalik. Mabilis ang nangyaring pagpaibaba ni Hiraya at sa ilang sandali lang ay hindi na niya namalayang malapit na siyang bumagsak sa lupa. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang tuluyang pagtama ng kanyang katawan sa lupa. Kung ano man ang mangyari dito, magkawatak-watak man o magkagutay-gutay ay wala na siyang pakialam sapagkat alam niyang isa lang ang kahahantungan niya at iyon ay ang kanyang kamatayan. Huminga siya ng malalim na malalim saka taos-puso at kalmadong ipinagpasalangit ang mga susunod na mangyayari. “Ma... Pa... Hira... mahal na mahal ko kayo.” Lumipas pa ang ilang mga segundo pero nagtataka pa rin si Hiraya sa kung bakit pakiramdam niya ay buhay pa rin siya hanggang sa mga puntong ito. Dahil nga’t nakapikit pa rin siya hanggang ngayon ay hindi niya nakikita ang paligid niya. Hanggang sa may narinig na lamang siyamabibigat na paghingi na siyang ikinadilat niya kaagad. Tumambad sa kanya ang gwapo at napakaamong mukha ng isang binata. Tinitigan pa niya ito sa mukha ng todo habang ang binata naman ay naiilang at hindi makatingin ng diretso sa kanya. Iyon ay sa kadahilanang naiilang ito dahil sa kasalukuyang pwesto nilang dalawa ngayon. Dikit na dikit kasi ang kanilang mga katawan sa isa’t isa dahil sa ang binata ang sumalo kay Hiraya upang hindi ito tuluyang mahulog pabagsak sa lupa. Bigla na lamang binitawan ng binata si Hiraya dahilan upang mahulog ito sa lupa ngunit mababa na lamang ang pagkakahulog nito. Kaagad namang tinalikuran ng binata si Hiraya at sana’y lilisan na sa lugar ngunit sinigawan ito ni Hiraya at tinawag sabay habol pa rito habang nagpapagpag ng kanyang pwetan. Napatigil ang binata at nagkalapit na naman ang pwesto nila sa isa’t isa, kaagad na lumapit si Hiraya ng bahagya sa binata sabay pagpag sa dulo ng suot nitong kasuotan. Nabigla ang binata at kaagad na tinapik ng marahan ang kamay ni Hiraya. “A-anong ginawa mo?” “Pinagpagan ko lang ‘yung mantsa ng dugo sa suot mo.” Sagot ni Hiraya sabay pagpag ulit sa suot ng binata. “H-hindi na kailangan.” Napanguso si Hiraya sa hindi malamang dahilan. Sinipat niya ang buong tindig ng binata. Nakasuot ito ng kasuotang kulay bughaw. Ang damit na pangitaas at pang-ibaba ay makarugtong lamang, kumbaga ay diretso lamang ang desinyo nito na karaniwang uri ng kasuotan sa kanilang lugar (Chinese inspired costumes). “Senior, nakikita kong papunta ka rin sa hair ornament banquet. Sa nakikita mo ay isa ang disipolo galing sa sektang Dawn,” ani ni Hiraya. Dahan-dahan niyang pinagapang ng mabagal ang kanyang mga daliri sa manggas ng kasuotan ng binata na nagpailang muli rito. Muli na naman itong nauutal sa pagsasalita at lumayo kay Hiraya. “Pwede mo ba akong isama sa pagpunta mo roon, hindi ko kasi kabisado ang daan pabalik at mukhang naliligaw yata ako.” Dugtong ni Hiraya sabay naiilang pang nagkamot ng kanyang batok. “Kapag ginawa mo ‘yun ay pagkarating natin doon ay tutulungan kitang alisin itong mantsa ng dugo ng aso sa damit mo.” Muli na namang hinawakan ni Hiraya ang damit na suot ng binata at katulad ng nangyayari ay umaatras na naman ito palayo sa dalaga. “H-hindi na kailangan,” ani ng binata saka tinalikuran si Hiraya. Pero muli ay hinarangan ulit siya ng dalaga. “A-ano bang problema mo?” “I-ikaw, b-ba’t g-ganyan ka m-magsalita...” “D-di kita maintindihan.” Saka tuluyang naglakad ang binata, muli ay pinigilan na naman siya ni Hiraya. Napatigil ang binata at nagharap muli silang dalawa. Nagpa-awa si Hiraya sa harap ng binata para lamang makumbinse niya itong dalhin siya pabalik. “Senior, hindi ko talaga alam ang pabalik doon... isa pa ay hindi rin ako marunong lumipad.” “M-mag lakad ka.” Biglang umupo sa lupa si Hiraya at niyakap ang binata sa tuhod nito. Napatuod na lamang ang huli at hindi na alam ang kanyang gagawin. Nakakuyom na ang mga kamao nito habang malimit na nanginginig dahil sa ilang. “Please, Senior, tulungan mo na ako nakakapagod kayang maglakad.” Tuloy pa rin ang pagkatuod ng binata sa kanyang pwesto bumubukas-sara ang kanyang mga kamao habang nanginginig. “N-ngayon pa lamang ako nakakita ng cultivator na sing tamad... gaya mo.” Dahil sa tinuran na iyon ng binata, imbes na mainis si Hiraya ay ikinangiti pa niya ito. Sumunod na nangyari ay tuluyan na nga siyang isinama ng binata pabalik sa lugar na kanilang pupuntahan. Sayang-saya si Hiraya na nakasakay kasama ng binata sa iisang diwang espada nito.   ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD