Chapter 6.0

298 Words
“Ilabas mo na.” “Anong ilalabas?” “Tanga ka ba, ano pa edi ‘yung diwang espada mo.” “Huh, wala akong ganon, isa pa hindi ko pa nagagawang ipamalas ang diwang espada ko.” “Labing-anim na taon ka na pero hindi mo pa rin alam magpamalas ng sarili mong diwang espada? . . . Ah basta ipapamalas mo o bibitawan kita.” “Wag, wag. Hindi talaga ako marunong kung paano gumamit ng diwang espada, palagi lang akong tumatakas tuwing nag-eensayo kami ni Mana kasama si papa kaya wala akong alam sa ganong bagay.” “Tch, bahala ka —” “Wag!” Tuloy-tuloy ang pagkahulog ni Hiraya mula sa pinakamataas na bahagi ng himpapawid pababa. Dahil sa pagkataranta ay wala siyang ibang nagawa kundi ikaway-kaway na lamang ang kanyang mga braso habang patuloy ang kanyang pagbulusok, sigaw rin siya nang sigaw kasabay nun. Habang patuloy ang pagbagsak ni Hiraya ay nakadungaw lamang sa itaas ang lalaki habang malapad ang ngiti nito sa labi maya-maya lang din ay agad na rin itong lumisan saka lumipad sakay sa kanyang diwang espada pabalik sa lugar na pinanggalingan nilang dalawa kanina. Ngunit ngayon ay mag-isa na lamang itong babalik. Mabilis ang nangyaring pagpaibaba ni Hiraya at sa ilang sandali lang ay hindi na niya namalayang malapit na siyang bumagsak sa lupa. Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang tuluyang pagtama ng kanyang katawan sa lupa. Kung ano man ang mangyari dito, magkawatak-watak man o magkagutay-gutay ay wala na siyang pakialam sapagkat alam niyang isa lang ang kahahantungan niya at iyon ay ang kanyang kamatayan. Huminga siya ng malalim na malalim saka taos-puso at kalmadong ipinagpasalangit ang mga susunod na mangyayari. “Ma... Pa... Hira... mahal na mahal ko kayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD