Rodelyn Kaigela's POV
"Tingin mo papasok kaya siya ngayon?"
"Ano ba sa tingin mo ginagawa natin dito ngayon? Tatanungin mo pa 'ko eh andito na nga tayo para tignan. Ang aga aga Kaigela!"
Tinarayan ko nalang si Jinky. Talagang nagsisisi ako na pinuri ko pa siya kahapon, eh mali naman pala siya. Wala sa BGI si Haechelle kahapon, nasa music room lang pala at nagdadrama.
Hindi nga namin natapos ang eksena nila ni Jam kahapon na shushunga shungang nagtatago sa drum eh, sayang. Ang bibig kasi netong si Jinky hindi mapigil kaya umalis na kami don at bumili ng mamon.
Ngayon naman nasa tapat kami ng pintuan ng kwarto ni Haechelle, mukhang wala nanamang sapi para pumasok.
Or not.
Bago pa namin buksan ang pinto ay bumukas na ito ng kusa. Wow magic? Hindi, si Haechelle ang nagbukas. Bihis na siya ng uniform at mukhang bababa na rin para kumain.
"Alam niyo walang umaga na hindi kayo maingay."
Sabi nito bago isara ang pinto niya. Kinotongan niya kami ni Jinky bago kumaripas ng takbo pababa ng hagdan.
Naks nasa mood na ang butihin naming Leader! Madapa ka sana sa pag-kotong mo sa'min!
"Hoy Jinky."
Napatingin ako kay Haechelle nang tawagin niya ang pansin ni Jinky. Nasa kalagitnaan kami ng agahan kaya natigil sa pagsubo ng pancake si Jinky para tignan si Haechelle.
"Bawal nga magchikahan sa hapagkainan chelle 'di ba? Kulit ng lahi nito." Sabi ni Jinky at tuluyan nang sinubo ang pancake niya.
"May utang ka pa kasi na kwento!"
Nanatili akong nakiki-chismis sa kanilang dalawa.
"Bakit magkasama kayo ni Justin Kaile?" Tanong ni Haechelle nang hindi sumagot si Jinky. Agad na nangunot ang noo ko sa pagtataka.
"Magkasama sila? Kelan?" I asked pero hindi naman ako pinansin ng dalawa.
Akala ko walang balak sumagot si Jinky pero binaba niya ang kubyertos niya't uminom sa orange juice bago tumingin kay Haechelle.
"We accidentally bumped into each other when we parted ways. Tapos may nakita kaming batang nawawala kaya ayon." She said.
Nanatiling nakatingin sa kaniya si Haechelle, looking unsatisfied with her statement. Naikot ni Jinky ang mata niya bago nagbuntong hininga.
"We treat the kid. Saktong naibalik na namin yung bata sa mga magulang niya nang mag-text ka. Eh nauna na rin daw kasi sina Kuya Julius dito noon, kaya naiwan din siya. Good thing dala niya pala ang kotse niya kaya sabay na kami."
It's Haechelle's turn to sigh before resuming her breakfast. Akala ko ay magiging tahimik na ang agahan namin.
"I want you to keep that up." She suddenly said, napatingin nanaman kami ni Jinky sa kaniya sa pagtataka.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit english kasi?" Tanong naman ni Jinky.
"We'll discuss that later, baka ma-late na tayo."
Since male-late na nga kami ay minabuti na naming tapusin na ang chikahan, as well as our breakfast.
Habang bumabyahe naman kami papasok sa school ay 'di ko maisipang hindi isipin kung ano naman kayang mangyayari sa school ngayon, may pasabog nanaman kaya si Jam para kay Haechelle? I think so, mukhang seryoso talaga siya sa panliligaw na sinabi niya.
Nakakapagtaka naman, kakakilala palang namin ah? It's not that I doubt na hindi madaling magustuhan si Haechelle. San ka pa 'di ba? Kumbaga full package na 'yong sissy ko na'yon eh. Pero hindi pa rin ako mapakali na magtaka.
Na-curious din ako sa kung anong pinag-usapan nila kahapon sa music room. Imposible namang hindi niya alam na wala si Jam 'don. Hindi niya ba talaga napansin dahil lunod siya sa pagtugtog? O sadyang hindi na niya pinansin pa?
Ah ewan, nase-stress ang kagandahan ko.
"Ano Rod? Pagkatapos ni Haechelle ikaw naman mawawalan ng gana pumasok ngayon?"
I came back to reality nang magsalita si Jinky. When I turned to her ay nasa labas na pala ng kotse ang bruha at hawak ang pinto ng kotseng nakabukas. Woah, ganoon ako kalunod sa isip ko kaya 'di ko napansin na nakarating na pala kami sa school?
Hindi ko na siya sinagot at bumaba na lang ng sasakyan. Sinubukan ko nalang i-push aside lahat ng iniisip ko't mag focus para sa mga lessons sa araw na 'to.
Nagawa ko na man na mag-focus, hanggang sa makapag-attendance ako. Pagkatapos non ay lumipad na ang isip ko. Hindi sa iniisip ko pa rin ang mga nangyari nitong nakaraang araw, sadyang tinatamad lang ako makinig lalo pa't chemistry nanaman.
Tama nga si Jinky, mukhang ako naman ang nawalan ng will para mag-aral.
Charot.
"Miss Bartolome."
Charot. Sana pala nakinig nalang ako para may maisagot kay Ma'am Rabi ngayon tinawag ako para mag-recite.
"Are you with us? Kanina ka pa nakatulala, you're distracting me."
Aba naman si Ma'am, kasalanan ko pa? Charot lang ulit. Nakakahiya, ganoon ba ka-obvious na wala akong interes sa chem ngayon? >crazy'.
Hindi naman na niya ako kinausap after non. Hindi rin ako nagsalita. Pinagpatuloy niya lang ang paglalakad niya to who knows where dahil hindi ko rin naman tinitignan ang paligid, nanatili pa rin akong nakatingin sa mukha niya.
"Can you stand?"
Hindi ko napansing tumigil nanaman siya ulit sa paglalakad. I nodded like a kid sa tanong niya. To my amusement ay ibinaba na lang niya bigla ang mga kamay niya kaya nalaglag ang binti ko sa lupa. Mabilis akong nakabawi ng balance dahil naiwang naka-ankla ang braso ko sa leeg niya, bahagya ko pa siyang nadala.
Geez, ganoon ba ako kabigat?
"Bakit dito mo ako dinala?" I asked him nang mapansing nasa tabi kami ng kotse namin nina Haechelle.
"Obviously, you are too busy with memorizing my facial features you didn't even heard the bell rang."
Pakiramdam ko ay punung-puno na 'ko ng kahihiyan ngayon. Wow, Kaigela ngayon ka lang nahiya sa pagtitig mo sa mukha niya kanina? Kaloka ka!
"Staring is rude, quit that." Nagsimula na siyang maglakad palayo pero huminto siya saglit at walang lingon lingon na nagsalita ulit. "And take care of yourself." Saka siya tuluyang nawala sa paningin ko.
What's with him?
"Rod, usap muna tayo."
Nilingon ko si Haechelle na nasa pinto pa din ng bahay. Kasunod niya si Jinky na agad sumalampak sa sofa. Ano namang paguusapan? Tatanungin ba nila ako sa nangyari kanina?
"Anong meron?" tanong ko at nakiupo sa sofa.
Umupo si Haechelle sa single sofa na nakaharap sa 'min. She looks serious.
"Tungkol sa BGI." Panimula niya. Doon palang ay napa-ayos na din kami ng upo ni Jinky at nakinig sa kaniya.
"First, gusto kong mag-sorry kung nagdesisyon ako ng mag-isa. But I think, it's for the." She stopped with her words. Naghahanap siguro ng idudugtong? Pumikit si Haechelle saglit at nagbuntong hininga bago magmulat. "Best."
Nanatili kaming tahimik ni Jinky at hinayaan siyang magsalita.
"I took the Mission Impossible."
What she said left me speechless, naka-nga nga lang ako sa kaniya. Habang si Jinky naman ay very vocal sa gulat niya't nagawang sumigaw ng "What?!"
"Bakit?!" is the only word na lumabas sa bibig ko.
"Look, I know na walang sense 'yong misyon na 'yon. At— it's kinda absurd para sa'tin." She explained, looking down. "Pero I can't just let all of our sacrifices sa BGI na mawala na lang." She sounded helplessly.
Hindi ko naman siya masisi, it's a win or lose situation. And yes, hindi madaling mapunta kung nasaan kami ngayon sa BGI. Both decisions needs to take risk pero hindi namin pare-pareho kayang tanggapin kung mawawala kami sa BGI.
"Fine, what are we going to do then?" I asked.
Haechelle smiled sadly to me. "I'll take Michael."
"Si Jam 'yun 'di ba?" tanong ni Jinky, tumango si Haechelle sa kaniya.
"You go with Justin Kaile."
If they're taking those two, then I'm left with...
"You'll be with Mark Niwel."
The look on her face left me worried. Hindi ko mabasa kung anong expression ang ipinapakita niya, at 'yon ang nakakapagpakaba sa 'kin.
But before I could think of it, tumalikod na siya't nagtuloy sa pag-akyat papunta sa kawarto niya, na sinundan na din ni Jinky na mukhang hindi bothered.
Samantalang naiwan akong hindi pa rin makapag-function ang utang.
------------------
Hindi sponsored ng bear brand. Miss ko melon bread sa shakugan no shana ksksksk.