Episode 9

2436 Words
Jinky Luhannah's POV Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko nang ganito. Kahit nakabukas ang aircon ng kotse eh feel na feel ko na basa na ang singit ko eh. Pero syempre joke lang! Masisisi niyo ba ako? Magmula pa kaninang umaga eh hindi na makausap si Haechelle. Parang kapag nagsalita siya eh hahatulan na rin niya buhay mo >"We'll discuss everything, settle down!" At hindi naman maawat ang junakis niya't nag-english din, "I'm done!" Tapos lumabas na siya't dumiretso sa kotse namin kaya sumunod na din kami ni Rodelyn. "Jinks, sigurado ka bang okay lang na pumasok siya?" Biglang bulong ni Rodelyn sa 'kin habang nakatingin sa passenger seat kung nasaan si Haechelle na kasalukuyan namang nakapikit. "Pinagsasabi mo Kaigela?" Tumingin siya sa 'kin. "Wala naman akong sinabing sigurado ako ha?" Inismiran lang ako ng gaga, eh totoo naman. Tahimik kami kaninang naga-almusal at wala akong sinabing okay lang na pumasok si Haechelle ngayon kahit pa may chance na magkita sila ni Jam. "Ano bang gusto mong gawin ko? Eh choice naman niyang pumasok ngayon ah. At saka late na siya kahapon, hindi pwedeng um-absent pa siya ngayon, baka 'di makapag-martsa 'yan." Bahala na lang si Haechelle diyan, basta kung magkaka-gulo dapat mag-jack en' poy nalang sila para hindi madugo! Willing kami mag-cheer ni Rodelyn para 'don. Kahit naman nang-eechos lang ako dito ay kinakabahan rin naman ako 'no. Kaya kagabi todo pray na lang ako kay Lord na sana humaba ang pasensya ni Nuhesia kahit papaano. And I somehow feel sad para kay Rodelyn. Last night wasn't supposed to be like that. Kita niyo napapa-english ako sa stress. "Nandito na po tayo." Announce ulit ni Kuya Jomari. Wala ako sa mood barahin si Kuya Jom today kasi— wala lang. Paglabas namin ng kotse ay siniko ako ni Rodelyn kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, kung kelan kailangan 'yang walang kwenta mong katauhan tsaka naman um-absent! Hindi ka ba nag-katol kagabi kaya normal ka ngayon?" Aba gagang 'to, binatukan ko nga. "Wag mo 'kong uumpisahan Rodelyn Kaigela, baka isiksik ko bawat muscle cell mo sa trash can." "Eh kasi naman, dapat pinapagaan mo ang atmosphere ! In that way magiging light na ang mood ni Haechelle 'di ba? Boploks mo!" bulong niya. Bago ko pa siya mabalibag ay tumakbo na siya sa tabi ni Haechelle kaya tumabi na din ako sa kabilang side ni Haechelle. Teka ano bang magagawa ko? Baka ito talaga ang purpose ko? Kataka-takang tahimik ang room namin nang malapit na kami sa pinto. Hindi naman ganito eh, kahit pa nakasarado ang pinto ay maririnig ang faded na ingay sa labas. Lalo tuloy akong natatae. Nasagot din naman ang taka ko nang buksan namin ang pinto at makitang nakaupo si Jam sa teacher's desk habang si Justin Kaile ang nakaupo sa upuan ng teacher, a guitar on his hand. Pansin ko na sakin ang tingin ng baklang Justin ha, ganda ko ba talaga? Naputol din ang mini titigan session namin nang magsimula siyang magstrum ng isang pamilyar na kanta. Kami naman ni Rodelyn ang nagkatingin ngayon. [Please Play! Your Guardian Angel – The Red Jumpsuit Apparatus]     Napakapamilyar ng strums ni Kaile kahit pa ang tagal na nang huli kong marinig 'yang kantang 'yan. Ang intro na kasing tagal ng regla days ko. Matagal kong hindi narinig ang Your Guardian Angel kahit pa sikat na 'to dati pa man, ayaw kasi ni Haechelle na marinig 'yon. Kahit nga naka-earphones ako eh pinapapatay niya agad, kabisado ni gaga ang tempo ng kanta. Kaya hindi rin kami mapakali ngayon ni Rodelyn. Nako naman etong Jam na 'to oh! 143 pages nga ang songbook namin ng karaoke sa bahay eh, bakit 'yan pa ang napili niyang ipangharana? When I see your smile  Tears run down my face  I can't replace And now that I'm stronger I've figured out  How this world turns cold  And it breaks through my soul  And I know, I'll find  Deep inside me, I can be the one I will never let you fall (Let you fall)  I'll stand up with you forever  I'll be there for you through it all (Through it all)  Even if saving you sends me to heaven Hindi naman maikakailang maganda ang boses ni Jam, samahan pa ng second voice ni Justin Kaile. Parang nanghe-hele ang kanta nilang dalawa.  It's okay. Ang kaso nga, ayaw ni Haechelle sa kantang 'yan. Sa hindi namin alam na dahilan. It's okay.  It's okay. Bago pa mag-second verse ay tumakbo na si Haechelle pabalik sa corridor. Natigil din tuloy sa pagstrum si Justin Kaile at mukhang hindi rin inaasahan ni Jam na 'yon ang gagawin ni Haechelle. May choice naman si Haechelle na lumapit nalang para agawin ang gitara mula kay Justin at ipukpok 'yon kay Jam sa asar. Pero hindi 'yon ang ginawa niya. Balak sana siyang sundan ni Rodelyn pero pinigilan ko na siya, mukhang hindi kailangan ni Haechelle ang sino man ngayon. Ganon din si Jam, nakaaalis na pala si tukmol sa desk at lalabas na sana ng room nang pigilin ko.  "Sa dinami dami ng kanta, bakit naman 'yon pa pinili mo? Checkmate ka chong." Iling ko pa. Hindi rin namin alam kung bakit, basta ayaw nalang niyang marinig ang kantang 'yon. Kapag pinipilit naman namin siya nagagalit siya. Kaya malamang ngayon, galit 'yon. At mas maganda pang tumalon nalang ako sa 5th floor kesa kausapin siya ngayong sagad sagaran na ang galit ni bruha. Naupo na lang kami sa seats namin ni Rodelyn. Tsaka ko lang napansin na lumipat sa harap namin 'yong tatlo, at talagang sa tapat ko pa si Justine Kaile ha. Talaga nga naman, weekdays na sira ang araw ko. Partida, likod niya pa lang niya 'yan ha. The morning classes went on na absent ang mark ni Haechelle sa attendance ng mga teachers namin. Akala nga namin papasok na siya after ng recess eh, pero wala. Hindi na namin hinanap ni Rodelyn dahil mauubos ang 10 minutes na break namin kakahanap 'don. Hindi rin ma-contact ang cellphone niya. "Jinky, hindi nagustuhan ni Haechelle 'yong kanta?" Tinanong pa 'ko ni Jam noong recess, nilingon ko naman siya na sa kabilang side nakaupo, sa tapat ni Haechelle. Tinaasan ko siya ng kilay bilang sagot kaya rumebat naman si tukmol. "Sungit, nagtatanong lang eh!" Inirapan ko siya sa pagka-badtrip ko. Jusme 'yan ang pinaka-asar ako sa lahat, ang sagutin ang mga walang kwentang tanong. "Magtatanong ka pa eh, kung natuwa 'yon malamang sinagot ka na niya't nagpaparty all night long! Eh kaso hindi 'di ba? Edi hindi!" inirapan ko ulit siya, sakit sa eyeballs ng isang 'to. "Dami mong sinabi!" Tumalikod na ulit si shunga't hinarap ang board. Dahil tinatamad akong tumayo para kotongan siya ay pumilas nalang ako sa intermediate pad ko tsaka siya binato. Lumingon naman si shunga kaya binelatan ko siya. "Maingay na makalat pa." Bigla naman nagsalita ang isa pang tukmol sa harap ko, kahit hindi siya lumingon ay alam kong ako ang pinaringgan niya. Sus nako, inggit naman 'tong isang 'to. Kaya kumuha ako ulit papel at binato rin siya. Lumingon naman siya sa 'kin kaya ngumiti ako sa kaniya ng pagka-ganda ganda. Naisip kong batuhin rin sana Mark Niwel na nasa gitna nila, kaso may dark na usok na nakapalibot sa kaniya eh kaya wag nalang pala. Noong nag lunch break na tsaka namin naisipang lumabas na para hanapin siya. "Hindi pa din ba siya ma-contact Jinks?" Nilabas ko naman ang phone ko from my blouse at idinial ang number ni Haechelle, pero unattended pa din. Kaya umiling ako kay Rodelyn, bumuntong hininga naman siya. "If I am Haechelle na on rage, where would I go?" "Ako, sa BGI, itatanim ko sa pader ng training room lahat ng pointed objects na nandoon." I answered her nonchalantly. Nagulat naman ako nang hampasin ako ni Rodelyn na todo pa ang ngiti. "Jinky! Gumagana pala minsan 'yang utak mo! Baka nga nasa BGI siya ngayon!" pinagpapalo niya ulit ako kaya pinigilan ko siya. "Ano ba! Isa lang naman sa possibilities 'yon, hindi pa din tayo sure. At kung nandoon nga siya hindi naman tayo pwedeng sumunod don at magcut class nanaman!" Medyo tama nga si Rod ha, gumagana ang brain ko today. "Mag-isip ka nga!" "Ang yabang mo, napuri lang ng konti ang nuerons mo eh!" tinarayan ako ni loka. "For now, hanapin muna natin siya sa buong campus. Baka nagkakamali nga din tayo." Sabi ko at nagsimula na kaming maglibot. Napuntahan na namin ang library, fields, at gym pero hindi pa din namin nahahanap ni hibla ng buhok ng nagmamagandang Haechelle. Nakakaloka, we just skipped lunch! "Last na 'tong clinic na 'to Rod ha, kahit 100% sure naman akong wala siya diyan. Jusme kahit man lang mamon makabili man lang tayo bago mag-bell!" I told Kaigela beside me. And yes papunta kaming huling clinic dahil 'yon nalang ang pwede naming puntahan na maaaring pinuntahan din ng baklang Haechelle. Bawat building ay may clinic para sa mga estudyante na naglalagi sa building, alangan naman tumakbo pa sila sa main building para sa infirmary eh paano kung maubusan na ng dugo? Charot, ang exaggerated ha. Tinanong namin ang nurse kung may estudyante bang nago-occupy ng bed pero wala naman daw so far. Asar! Mukhang nasa BGI nga ang gaga. Pero mukhang hindi pa lahat ng sulok ng Central High ay napuntahan na namin. I can hear the faint sound of piano keys. Ang music room! [Please Play! Piano Concerto No. 21 Adante – Wolfgang Amadeus Mozart]     "Rod sa music room! Last na talaga 'to!"  Kahit gutom na gutom na 'ko ay hinila ko pa din si Rodelyn papunta sa second floor ng building na 'to. Wala naman akong naririnig na ibang music maliban sa piano, kaya malamang ay walang gumagamit ng dance practice room na nasa second floor din. Ang building na ito ay para sa performing arts. At hindi nga ako nagkakamali, nasa harapan si Haechelle ng isang grand piano. Nagtitipa siya ng keys sa isang kantang hindi ko alam ang title dahil siya lang naman ang may hilig samin sa classical music. Basics lang ang alam ko dahil topic sa MAPEH 'yan nung grade 9! Pinili naming sumilip lang sa bintana, sabi kasi samin dati ng teacher namin na pangit kapag pinuputol ang isang classical music. It's kind of disrespect. Kaya magmula noon, t'wing tumutugtog si Haechelle ay 'di na namin siya inaabala. "Tara na, buhay pa pala siya eh. Gutom na 'ko." Hihilain ko na sana si Rodelyn nang pigilin niya ako, nakasilip pa rin siya sa loob. Nang tignan ko kung nasaan ang line of sight niya ay nagulat ako nang makita si Jam na nagtatago sa drums sa isang sulok ng malaking music room. Ang shunga naman niya eh kita naman siya.  Haechelle Nuhesia's POV Tsk, ngayon ay 'di nako pwedeng magpakita sa class. Mabuti nang absent kesa cutting— kahit 'yon naman ang ginagawa ko talaga. Walang wala ako sa mood para makinig sa klase, miski nga ang pansinin ang taong pumasok ay 'di ko magawa. Kahit minabuti niyang dahan dahang pumasok at magtago sa drums, hindi naman nakaligtas sa mata ko ang saglit na pagpasok ng liwanag from the door nang buksan niya 'yon. I'm doing him a favor. Imbes na tumigil ay hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy pa rin ang pagtipa. Adante became my soother when I feel rage. Kung hindi ko gagawin ay baka lumipad lahat ng bagay sa room namin papunta sa kaniya. But I didn't said na hanggang matapos ay ganoon ang gagawin ko. After minutes of playing Adante, I switched to Beethoven's. [Please Play! Moonlight Sonata (1st Movement) – Beethoven]     I chose the 1st movement dahil hindi ako makakapagfocus enough para sa 3rd kung tuluyan ko nang  ia-acknowledge ko ang presence niya.  "You know I know you're there." I said, still focused on the keys. "Am I disturbing you?" lumapit ang boses niya, indicating na umalis na siya mula sa drum set. Hindi ko naman siya sinagot. Hindi porque in-acknowledge ko ang presensiya niya ay ibig sabihin na non kakausapin ko siya. Siya ang may balak na kausapin ako. "Am I forbidden to like you?" May nagpapasalamat na side ko na hindi mabigat ang word na ginamit niya. Mabagal ang tipa ko kaya dinig ko ang mga salita niya. Crystal clear. "Yes." I honestly answered. Paano 'ko magagawang mag-entertain ng iba kung hindi pa tapos ang puso ko sa kaniya? It's a billin dollar question of mine since then. He felt silence for minutes, hanggang sa matapos ko ang musika. I looked at him, nakatayo pa rin siya sa gilid ng grand piano. Mukhang nakatitig lang siya sa 'kin all along. I rose from my seat before saying something, taking risk. "But I'm giving you the permission." I ended up sleepless last night, bothered by the scene last night. Hindi 'yon nakatulong sa anxiety ko na tumubo noong nakaraang gabi, kaya halos mabaliw ako kakaisip. But then a sudden thought came into my mind. It's an advancement for me, for us. "Oh Haechelle, asan 'yung dalawa?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Kuya Julius ng salubungin niya ako from his office. I left Michael dumbfounded sa music room at nag-taxi papunta dito, sa BGI. "I am accepting the mission, as the Leader of Black Lila." I told him. He was stunned at first, pero nakabawi rin at kinuha muli ang envelope na naglalaman ng papers na hinawakan namin last Monday. He handed me the three papers and a pen. Nanginginig ang kamay ko na piramahan ang tatlong 'yon. But I can't step back, not now. "It's all set then." He said as I returned the papers to him.  Mark Niwel's POV "Dami mong sinabi!" I shut my eyes closed dahil kanina pa maingay 'tong si Michael sa tabi ko. She's talking with that Jinky Park about the scene during the first subject. I can't stay calm, they're too noisy! 2 seats apart lang silang dalawa kung tutuusin pero napakalakas ng boses nila kung magsalita. Especially that Park! Is she even a woman? Lalo lang uminit ang dugo ko nang maramdaman ko ang isang sikong tumama from my left side. I opened my eyes and shot daggers of stares to Michael. "Bad trip ka naman kasi insan eh! Akala ko ba magugustuhan niya 'yon?!" Now it's my life's turn get ruined by Michael. Siniko ko siya pabalik, sa mas malakas na paraan. I really hate it when he calls me 'insan', which is originally used by our mothers. I've never accepted the fact that we're cousins! But I was also surprised with Nuhesia's action. Hindi ko alam na tatakbo siya palayo at hindi na aattend ng klase, even until now. When Michael asked if what would be the song he'll be singing to Nuhesia na magugustuhan ng huli ay 'yon agad ang pumasok sa isip ko eh. She loves that song so much. Or maybe she used to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD