Haechelle Nuhesia's POV
It's already 7:30am.
Nagising na ako sa alarm, pero hindi pa din ako bumabangon. Walang lakas ang katawan ko eh.
Hindi naman ako, kami, napuyat sa party kagabi, it ended well naman- somehow.
After Rodelyn's party ay pansin ko ang pagkasabaw niya. Noong tinanong ko naman, pagod lang daw siya. Echosera, eh tumayo lang naman siya noong 18 roses na.
I saw it. I am curious kung anong sinabi ni Niwel sa kaniya. Talagang pinanood ko silang dalawa kagabi habang nagsasayaw.
Pero hindi 'yon ang pinagtuunan ko ng pansin. Tinitignan ko- or inaabangan ko, rather, kung magsasalita si Mark habang isinasayaw niya si Rodelyn.
Mahigpit ang kapit ko sa hem ng dress ko kagabi nang makita kong gumalaw ang labi niya. He said something, and I do not know what is it. At iyon ang nagpapaloka sa 'kin.
I can't help myself to feel anxious, afraid.
"Rodriguez, wala ka bang balak pumasok?"
Bahagya kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakahiga para silipin kung sinong pumasok sa kwarto ko. The two lass are standing by the doorway, hawak ni Jinky ang doorknob na mukhang siya ang nagbukas habang si Rodelyn naman ay may hawak na hotdog ss tinidor.
Mukhang nagbe-breakfast sila nang mapansing hindi pa ako bumababa.
"You didn't locked it." Dagdag niya pa.
Bumalik ako sa pagkakahiga. Wala talaga ang espiritu ng kasipagan sa katawan ko ngayon, miski maligo nga ata wala akong balak. But I can't cut class today, not again!
"Hoy, kung wala kang balak pumasok ay dapat magkaroon ka! Tama nang nagskip tayo kahapon." Muli nanamang nagsalita si Jinky.
"Hey do you feel unwell?"
Hindi ko napansing pumasok na pala ng tuluyan sa kwarto ko si Rod, at ngayon ay nasa tabi na ng kama ko. Umupo siya't dinampian ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit. Hindi ka din naman nag-inom kagabi ah?"
I shoved her hands away tsaka nagtakip ng unan.
"Mauna na kayo, papasok ako don't worry."
Naramdaman kong tumayo si Rodelyn bago magsalit ulit si Jinky na mukhang nasa doorway ko pa din.
"Okay kung ano man 'yang idina-drama mo, isang mamon lang katapat niyan."
Sira ulo talaga 'tong Jinky na 'to. Eh siya lang naman ang nakakayang kumain ng mamon na walang inumin!
Nakaalis na lang sila't lahat lahat eh wala pa din akong balak na tumayo- miski umupo. Jusme ano ba 'tong ginagawa ko tsk.
Agad akong napa-upo nang mag-ring ang cellphone ko sa bed side table. When I reached for it ay nakita ko ang caller I.D. ng Dad.
"Daddy!"
Parang isang bola nang energy ang nalunok ko sa pagtawag lang ni Daddy.
"Good morning Princess, how's everything?"
"Wala po akong lakas para bumangon Dad, I feel drained."
Half true, hindi ko naman pwedeng sabihin sa Dad kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon. Kahit siya ay clueless sa mga nangyari.
"And why? You do have morning classes aren't you?"
I nodded as if nakikita ako ni Daddy.
"Pinauna ko na po sina Jinky at Rodelyn. Susunod din naman po ako Dad."
"You must kick start your day, agi. We're now heading to the airport."
Napa-face palm ako sa pagka-ulyanin ko. "Ne, nakalimutan ko po na may dinner nga pala mamaya. Mian." Trans: Sorry
"It's alright. Better get going hon! I'll see you later!"
"Ne, take care please, and tell eomma I love her!"
I ended the call at dumiretso na sa banyo para maligo. Kahit ako ay napapaisip kung hindi nga ba uso ang jet lag sa mga parents namin para ganapin ang dinner sa araw ng pag-uwi nila dito sa Pilipinas.
Sabagay tanghali ang dating nila at sa Manor naman ang diretso nila eh. Makakapagpahinga pa sila ng ilang oras.
Mukhang may pinagmanahan naman pala kami nina Jinky at Rodelyn after all.
"Miss Haechelle, sino po ang maghahatid sa inyo?"
Katatapos lang maghugas ni Manang Do ng pinagkainan nina Jinky nang makababa ako sa kitchen nang tanungin niya ako. Nagmano muna ako sa kaniya bago buksan ang cabinet para kumuha ng cereals.
"Ano po bang kotse ang nandiyan Manang? Hindi pa po ba nakakabalik si Kuya Jomari?"
"Hindi pa Miss, ang kay Miss Jinky ang nandiyan na kotse." Lumapit naman ako sa ref para kumuha ng gatas nang magsalita siya ulit. "Gagawan nalang kita ng pancakes, hindi ka mabubusog diyan."
Tinapos ko muna ang paglagay ng gatas ko sa bowl ng cereal bago ngumiti kay Manang Dolores.
"Hindi na po, salamat. Malapit na din po kasi akong ma-late eh" saka ako ngumiti sa kaniya na parang bata.
"Ikaw talagang bata ka! Nagpahuli ka pa kasi, napagod ka ba kagabi?"
Pagka-sabing iyon ni Manang ay parang na-drain nanaman ang energy ko. Naalala ko nanaman kasi susme! Pero minabuti kong hindi ipakita kay Manang 'yon at ngumiti ulit sa kaniya.
"Opo eh!"
"Eh ang kotse ba ni Miss Jinky ang gagamitin mo? Noong nakaraang linggo pa kasi ang huling vacuum non at hindi ko alam kung nasaan ang susi, baka nasa kwarto niya lamang."
Umiling ako kay Manang at lumunok muna ng cereals bago sumagot.
"I'll book a cab nalang po Manang. Salamat po."
Tumango nalang ito sakin bago lumabas ng dining area. Nilabas ko na uli ang cellphone ko para mag-book at tinapos na ng mabilis ang pagkain ko. Mabuti nga ay mabilis lang ang dating ng sasakyan ko eh. Mag-30 minutes na kasi akong late, lagot ako kay Ma'am Rabi nito.
"Oh Miss Rodriguez, we were informed by Miss Bartolome that you are sick."
Dumapo ang tingin ko sa seats namin nina Rodelyn pero nagtaka ako ng wala sila doon. Kaya bumaling na ulit ako kay Ma'am Rabi na nasa kasagsagan ng discussion nang buksan ko ang pinto.
"I had fever kaninang madaling araw Ms. Rabi, naging mabuti naman po ang pakiramdam ko pag-gising kanina so I decided na pumasok."
"Mabuti naman kung ganoon, you can now receive your punishment."
Nagtataka akong tumingin kay Ma'am sa sinabi niya. Punishment?
"You went missing in action during the afternoon classes, Miss Rodriguez. I thought I made myself clear yesterday."
Shoot.
"I'm sorry, Ma'am."
"Please proceed to the Faculty Room of Science Department for your apology. Nandoon din sina Ms. Park and Ms. Bartolome, you should ask them what to do."
Tumango na lang ako't sumunod sa utos ni Ma'am. Sinara ko na ulit ang pinto ng classroom at nagsimulang maglakad papunta sa kabilang building.
Nang makababa ako ng building namin ay nakita ko ang grupo nina Mark na mukhang paakyat na ng room. In a swift gaze, pansin ko na naka-uniform na silang tatlo ngayon, unlike kahapon na naka-civilian sila. Hindi ko naman na sila tinapunan pa ng tingin ng matagal, kahit pa dama ko ang tingin nilang tatlo sa 'kin.
Moments after ay sina Jinky at Rodelyn naman ang namataan ko na palabas na ng building kung nasaan ang faculty room, at ako naman ay papasok.
"Bruha ka akala ko hindi ka na talaga papasok!" Kinotongan ako ni Jinky.
"Wala 'kong sinabing hindi ako papasok, sabi ko lang mauna na kayo." I retorted. Si Rodelyn naman ang nag-salita nang mag-cross arms.
"Sumakit ulo ko sa pag-iisip ng sasabihin kay Ma'am Ella kanina! Kaloka ka!"
"You should've just told her na male-late ako dahil may emergency."
"Ay nako! Tara na nga Rod! Lalong nag-iinit ang dugo ko dito kay Haechelle eh nagi-english nanaman." Hihilain na niya sana si Rodelyn paalis pero pinigilan ko sila.
"Teka ano bang ipinapagawa ni Ma'am? Sabi niya itanong ko nalang daw sa inyo eh."
"Ay kaloka may pagka-tamad din pala si Ma'am Rabi?" Sabi ni Jinky kaya kinotongan siya ni Rodelyn. Siya na din ang sumagot sa tanong ko dahil obviously ay wala talagang sense kausap 'tong si Jinky.
"Susulat ka ng Apology Letter para sa pagka-cut ng class. Minimum of 500 words daw. Sige na mauuna na kami, good luck!"
Tuluyan na silang nawala sa paningin ko kaya dumiretso na ako sa faculty nina Ma'am Rabi.
Essays are my forte. 'Yon ang sabi ng mga tao sa paligid ko. Pero hirap na hirap akong sulatan ang intermediate pad ko ngayon dahil wala akong maisip bukod sa salitang sorry.
Alangan namang sabihin ko dito na pinatawag kami sa BGI, binigyan ng walangyang misyon, at muntik na 'kong ma-pana gamit ang crossbow kaya hindi ako naka-attend ng class kahapon 'di ba?
I should just call Dad para hindi na 'ko magsulat nito pero malamang mago-oral apology naman ako sa kaniya kapag ka ganoon! At uulitin niya ang lagi niyang sinasabi na hindi daw dapat namin abusuhin ang privilege na meron kami dahil lang sa heiress kami.
Tsk. Bahala na, I'll be creative nalang ~___~
Matapos ang ilang palusot at mabulaklak na salita sa pag-gawa ng apology letter, ay sa wakas natapos rin ako! Buong araw na nga akong wala kahapon, ngayon ay late naman ako sa second subject. Bakit ba kasi late 'din sumapi sa 'kin ang espiritu ng katamaran kanina eh?!
"What are you doing there?"
Don't tell me hindi na siya pumasok sa class ni Ma'am Rabi at late na rin siya sa second subject tulad ko?
"I am waiting for you?"
Base sa tono ng boses ni Jam- Michael na nga lang bwiset- ay parang pinaparating niya sa 'kin na hindi ba obvious?
"At bakit naman? Wala naman akong utang sa'yo ha?" I told him.
He chuckled a bit bago sumagot sa 'kin.
Ngayon ko lang napansin na hindi niya suot ang salamin niya, kaya mukha siyang nakapikit nung natawa siya. Anong nakakatawa?
Masyado siyang seryoso kung iku-kompara ko sa mga pinakita niya kahapon. Parang gusto ko tuloy isipin na ibang nilalang ang nasa harapan ko. Tsk, kahapon.
"I just want to remind you, Nuhesia."
"Remind me from what? At pwede ba refrain from calling me by my second name!"
This time ay tuluyan na siyang tumawa. Pinagti-tripan ba 'ko nito? Baka gusto niya talaga masapak!
"Oo na hindi na tayo close." Sinuot niya na ang salamin niya na nasa bulsa pala ng uniform niya. "But I mean it. What I said last night.
He said before vanishing. Hindi ako nakapag-react kaagad dahil nagvibrate naman ang phone ko from the pocket of my blouse.
From: Dad
We will be changing the plans. Your Aunt Lara asked if we can just do it in their mansion, because your Uncle Jaemin won't make it. Have a good day, sweety!
Mukhang hindi pa nakakasakay ng eroplano sina Dad at nagawa niya pa akong i-text. At isa pa, mukhang malulungkot nanaman si Jinky dahil hindi nanaman makakauwi ang Dad niya.
Masyadong strict si Uncle Jaemin at talagang business minded. Madalas siyang hindi umuuwi kahit pa may okasyon dito sa Pililinas tulad ngayon, mas pipiliin niyang asikasuhin ang negosy nila na akala mo araw araw may problema kung intindihin niya.
Ngayon alam niyo na kung bakit KSP si Jinky, char!
"Kuya Jomari kayna Jinky po tayo."
Tumango si Kuya Jomari't binuhay na ang makina ng sasakyan. Naramdaman ko naman ang tingin ng dalawa sa 'kin na nasa back seat.
"Haechelle, akala ko ba sa inyo?"
"Dad texted kanina, nag-request si Aunt Lara na sa mansion niyo na lang daw mag-dinner."
Nasagot ko na ang tanong ni Rodelyn kaya hindi na siya umimik pa, si Jinky lang talaga ang may powers na mag-side comment sa'ming tatlo. "Ang conyo mo."
Hindi ko nalang rin siya sinagot pa. Paniguradong malulungkot nanaman siya na hindi makakauwi ang tatay niya kaya bukas ko na lang siya babarahin para naman sa pambabara nalang ma-focus ang isip niya.
Knowing her ay magta-tantrums siya by herself pero sasabihin niya naman sa'min na ayos lang siya.
"Nandito na po tayo Miss."
Palabas na sana ako ng sasakyan nang sumagot pa si Jinky.
"Kita nga po namin Kuya Jom hehe salamat po!"
Kaya kinotongan namin siya ni Rodelyn pagka-baba, sira talaga intestines eh.
"Chelle, I'm really not comfortable with these heels." Biglang sabi ni Rodelyn after namin kotongan si Jinky.
"It was an order to dress formally Kaigela, wala rin akong idea kung bakit pa kailangan formal unlike the usual we had."
"Bakit kailangan niyong mag-english na dalawa? Pilipino kayo 'di ba?"
Sasapakin ko na sana si Jinky kaso lumabas na sa double doors nila si Auntie Lara na naka-long dress naman. Pansin ko ang pagpayat niya kahit pa last October lang kami huling nag-kita, para naman sa dinner for Jinky's birthday.
"My girls!" she happily embraced the three of us, naging group hug tuloy ang nangyari. Bumitaw rin naman siya pagkatapos at tumingin kay Jinky.
"My princess!" si Jinky na lang ang inipit niya sa yakap ngayon.
'Yan tama 'yan auntie, ipitin mo siya ng hindi na makahinga.
Pagkahiwalay niya kay Jinky ay hinampas niya 'to sa balikat.
"Eomma, appayo!" hinimas pa ni Jinky ang braso niya, 'yan buti nga.
"You gained weight! What have you been eating here?"
"Ay kaloka 'tong ina ko! eomma it's not my fault I'm rich!" sumagot naman ang bruhildang Jinky.
"Yes it isn't dear, it's because of our hardwork. Pero puro ka naman gastos na bata ka!" sabi naman ni Auntie sa kaniya. Natawa na lang kami ni Rodelyn.
Sumunod naman na lumabas ang parents namin ni Rodelyn kaya nag-yakapan nanaman kami.
"Daddy! Mommy!" I jumped to my parents and hugged the both of them.
Talagang dito pa namin naisipan magkaroon ng yakapan session ano?
Syempre ang pinaka niyakap nila ay si Rodelyn dahil siya naman ang dahilan kung bakit nandito sila ngayon eh.
"Ma, where's abeoji?"
We all turned to Jinky nang magtanong siya habang papunta kami ng dining area. Mukhang napansin na niyang siya lang ang walang tatay sa bahay na 'to, na bahay pa talaga nila.
"He didn't make it, princess. He said you'll meet each other nalang sa Christmas."
Jinky seems not to be bothered.
"Ah so sa Christmas na lang siya uuwi?"
"No, you'll fly to Seoul."
Obvious naman na nagulat si Jinky, even kami ni Rod. Ganoon ba ka-busy si Uncle Jae para hindi lumipad dito kahit sa Christmas?
Wala nang pagkakataon si Jinky na magtanong pa dahil nagsalita na ulit si Auntie Lars. "Rodelyn, honey, your Uncle Jaemin wants to apologize for being absent tonight. Pero dala ko naman ang gift niya sa'yo, I'll hand it to you later okay?" tumango na lang si Rodelyn.
Nadidistract naman ako sa kunot na noo ni Jinky kaya minabuti ko nang iiwas ang topic.
"Bakit hindi pa po nakahanda ang pagkain?"
Nakaupo na kaming lahat sa Dining Area pero wala pa ring pagkain, nakatayo lang ang tatlong maid sa isang sulok ng dining.
"We're waiting for our guests dear, they'll be here soon." Sagot ni Mommy na ikinataka ko naman. Who might be?
"We have guests?"
As if on cue, ay pumasok ang Mayordoma nina Jinky at nagbigay galang muna bago sabihing dumating na ang mga bisita. Yes, mga.
Our parents stood up kaya naman gumaya na lang kaming tatlo kahit pa wala kaming idea kung sino 'yon. Mukhang business partners, pero hindi kami sanay na sa ganitong pagkakataon naman sila mag-iimbita dahil it should be just the three families of ours. Kaya ba nila kami pinag-formal?
Hindi pa nga ako nakaka-move on sa mga pangyayari kagabi mukhang madadagdagan nanaman ang iisipin ko.
"Lars!"
A lady in green long dress entered the kitchen and screamed Aunt Lara's name. Wala sa hitsura nito na sisigaw siya nang ganoon, her aura tells that she's a hella strict CEO of some company. Pero hindi, nang salubungin siya ni Auntie Lara ay nagtatatalon ang dalawa habang magkayakap.
I guess they're not business partners at all because of the absence of formal kisses in the cheeks.
"Grabe ka naman Sheena, siya lang ba ang na-miss mo?" My dad suddenly said. The lady broke the hug with Auntie Lara and faced my father.
"Syempre hindi 'no! Namiss rin kaya kita kenny!" this time ay si Daddy naman ang hinug niya.
Pero hindi na sa kaniya napunta ang pansin ko nang makita ko kung sinong kasunod na pumasok ng ginang. Wala na bang maisip na plot 'tong author naming kaya cliché na lang?
What does this dinner have to do with Justine Kaile Gomez?
"Are these your daughters?"
I returned my gaze to the lady with the green dress at nakita kong palipat lipat ang tingin niya sa'min nina Jinky at Rodelyn na naiwang nakatayo from our seats. We all gave him a polite smile at nodded our heads, siya naman ay lumapit sa'min.
Una ay kay Jinky at hinawakan niya 'to sa balikat. Tinanong niya kung anong pangalan ni Jinks at nang sumagot ito ay umawang ang bibig ng ginang.
"She's all grown up! Omg Lars pwede na ituloy ang kasal!"
The teenagers in the room stood shocked. Lalo na si Jinky.
"Hoy Xi Yue tigilan mo muna ang anak ko, ni hindi pa nakakatikim ng bagsik ng college 'yan!" sabi naman ni Aunt Lars.
"Fine fine, just stop calling me Xi Yue!" The lady said and pouted. Her aura shifted into a childish one since then.
"Mom you're so loud."
Muli akong napatingin sa binatang kasamang dumating ni Ms. Sheena or Xi Yue, or maybe I should just call her Mrs. Gomez. So this is her Mom ha. Sumama lalo ang pakiramdam ko para sa araw na 'to.
It's Auntie Fatima's turn naman para magsalita, ang mom ni Kaigela. "This must be your little boy, hindi na siya little."
"Yes, at manang mana sa tatay niya. Anyway hindi makakarating si Kris, he's in Milan for some business." Sabi ng Mrs. Gomez.
They all settled at their seats kaya naupo na din kaming mga teens, including that Justin Kaile. What bewildered us was they made us seat together at sila sila naman ang nag-tabi tabi. Tabi tabi kami sa right side ng long table nina Jinky at Rodelyn. Justin sat across Jinky at nanatili nalang kaming tahimik.
"Where's Makyla and Anicka?" tanong ni Auntie Fatima.
"Oh alam mo naman ang mag-pinsan na 'yon, best at being late." Sagot naman ni Mrs. Gomez.
Heck may dalawa pa, not them please. Dama ko ang pamamasa ng palad ko sa kaba, pero pinipilit kong huwag ipakita 'yon dahil baka makita pa ni Dad at ma-intriga ako ng wala sa oras.
They continued talking with each other habang kaming apat ay tahimik lang na nakikinig. Base sa mga kwento nila ay college friends sila, si Dad, Auntie Lara, Auntie Fatima, Mrs. Gomez and his husband. They're still waiting for the two people na binanggit kanina na mukhang kasama sa samahan nila.
"Nakakainis naman kayo, dala-dala niyo pa mga asawa niyo. Naiinggit tuloy ako, ikaw din ba Lars?" I heard Mrs. Gomez said. She must be pertaining to my mother, and Rod's dad. Hindi sila kasama sa samahan nina Daddy noong college. I remember that dad once told me na sa OJT sila nagkakilala ni mom na isang exchange student back then.
Tinawanan nalang siya nina Dad nang dumating muli ang Mayordoma nina Jinky at sinabing panibagong sasakyan ang dumating. Ito na siguro 'yong hinihintay pa na tropa nina Dad.
"Hi guys!"
Two lady also wore long dresses came and yelled. They all formed a group hug na para bang ang tagal nilang hindi nagkita-kita.
Habang kaming mga teens ay naka-nga ngang nagtinginan sa isa't isa.
Magaling. Mukhang ang mga parents namin at parents ng tatlong ugok ay mag-totropa. Napaka-amazing mo world. Pwede namang 'yong tambay nalang sa kanto namin ang maging bff nila, bakit sila pa?!
"Remember noong nag-overnight tayo na halos walang ambag si Jeremy kundi ipag-timpla lang tayo ng kape?" Auntie Sheena said.
"Oo nga eh, muntik pa 'kong maturn off sa kaniya 'non!" sabi naman ng asawa ni Uncle Jeremy na si Auntie Anicka.
"Grabe kayo, eh kung hindi ko kayo ipinagtitimpla ng kape dati ay hindi kayo mababangag sa kakagawa ng thesis natin!" depensa naman ni Uncle Jeremy sa sarili niya.
After nilang magyakapan kanina ay pormal naman kaming ipinakilala nina Dad sa mga bisita. Ang kaninang dumating ay si Mrs. Xi Yue na isang chinese at mas prefer niyang tawagin in her Filipino name na Sheena dahil dito naman siya sa pinas lumaki, at obviously ay siya ang ina ni Justin Kaile. Asawa niya daw si Uncle Kris na kabilang din sa grupo ngunit nasa Milan ngayon.
That Makyla at Anicka ay mag-pinsan nilang tropa. Auntie Makyla is Mark's mother, his father wasn't mentioned. Si Auntie Anicka naman ay asawa ang isa pa nilang tropa na si Uncle Jeremy, na parents naman ni Michael.
Kanina din ay sinabihan nila kami na 'wag nang mahiya at tawagin na din silang Uncle at Auntie.
Small world isn't it? Pwede ko bang bombahan para lumaki?
Kahit pa naghain na ng mga pagkain ay 'di sila maawat sa chikahan. Sabagay, mukhang matagal tagal nga silang hindi na-buo dahil hindi ko naman sila nakikita dati, maliban nga kayna Auntie Fatima and Lara. Kung magkikita man daw sila ay by chance or because of business matters.
"Haechelle." I stopped from eating nang tawagin ako ni Dad at tumingin sa kaniya, he's gently slicing his meat before meeting my gaze.
"I heard you were punished kanina, with them." Turo pa niya ng fork sa tatlong lalaking tahimik din na kumakain, across our seats.
"Really? Close na ba kayong anim?" singit naman ni Auntie Sheena. Sa kanilang lahat ay sila ni Auntie Lara ang madaldal.
"Mom, it's not like that." Sagot ni Justin sa ina niya.
Nang madako ang tingin ko kay Dad ay nakatingin pa din siya sakin, naghihintay ata ng paliwanag ko.
But it's my Dad anyway, hindi naman katulad ni Ma'am Rabi ay alam naman ng parents namin ang existence ng BGI. They were also once a part of it, although not as popular as us. Hindi ko lang alam kung pati ba ang parents ng tatlong ugok ay kasali rin dati. Pero dahil kasali naman sila, I guess their parents were also walked in.
I cleared my throat before speaking.
"There was an urgent call from BGI Dad, from Kuya Julius." I said.
"Si Julius? Nasa BGI pa 'din siya hanggang ngayon?" sabi ni Auntie Anicka.
And I guessed right.
"Hindi pa naman siya nagkaka-pamilya Anicka, our baby Julius still wants to be a bachelor." Sabi naman ni Auntie Makyla.
"You have your Saturdays naman, bakit pa kayo ipinatawag ni Julius?" iiling na sabi ni Daddy at kumain na ulit.
Nagpapasalamat naman ako na hindi na niya sakin tinanong 'yon, rather to himself nalang. Iyong tungkol sa mission ang hindi ko kayang sabihin sa kaniya sa ngayon.
"Hey, Lars. Naalala mo ba nung una nating pinagkita si Jinky at Justin?" Auntie Sheena suddenly opens a topic. She surely missed them all, siya ang madalas na magbukas ng topic pansin ko.
"Ah yes! Omg hindi ko makakalimutan 'yon dahil 'yon din ang huli natin silang pinagkita!"
Auntie Lars and Sheena bursted into a laugher. Tumingin naman ako kay Jinky para sana tanungin siya kung ano 'yon pero mukhang hindi niya din alam base sa hitsura niya.
"Ano bang nangyari 'non?" tanong ni Uncle Jeremy bago sumimsim sa juice niya.
"We were on a vacation sa China 'non at bumisita sa bahay nina Sheena sa Shanghai. Pagkapasok pa lang namin ng bahay nila ay biglang umiyak si Jinky ng malakas. Ang akala namin ay nagkasugat siya sa lakas ng iyak niya pero imposible naman dahil karga siya ni Jaemin 'non." Auntie Lars suppressed her laugh. "Nalaman na lang namin ang dahilan ng pag-iyak niya nang ituro turo niya si Justin and muttered 'ugly' kahit pa mag-3 years old pa lang siya 'non."
Tuluyan nang natawa ulit ang dalawang magulang ng topic. Mukhang nakakatawa nga ang scene na 'yon, but I just can't laugh or even smile.
"Dati pa man din pala ay naaalibadbaran na 'ko sa pangit mong mukha eh." Dinig ko pang sabi ni Jinky sa katapat niyang si Justin, the latter just chuckled.
Hindi na kaya ng baby bangs ko. I need air.
Habang patagal ng patagal ang moments namin sa dining area ay pabigat naman ng pabigat ang pakiramdam ko. Tuwing naririnig ko kasi ang tawanan ng parents namin ay parang mas lalong sinasaksak sa kokote ko na napakaliit ng mundo, at konektado pa din kami sa isa't isa kahit na anong gawin kong pag-iwas dito.
"Nuhesia, where are you going?"
Tanong ni Dad nang tumayo ako sa upuan ko. Hindi ako gumalaw, ni hindi ko inalis ang tingin ko sa pinggan ko na may laman pa bago magsalita.
"Just out for some air." I said.
Itutuloy ko na sana ang paglabas ko nang makarinig ako ng pag-usog ng upuan, and when I turned ay nakita kong tumayo din si Michael from his seat.
"Before you leave, I want to formally introduce myself to everyone po. Especially to Uncly Ken and Auntie Li An."
He's pertaining to my parents? Ano nanamang show 'to?!
"Introduce anak? Tapos na tayo diyan ha?" Auntie Anicka asked her son in confusion.
"I would like to introduced myself mom." Panimula niya.
But then he's final words drained the hell out of me.
"As Haechelle's suitor."
I mean it.