Episode 7

2235 Words
Rodelyn Kaigela's POV Nang makarating kami sa mansion ay abot langit ang kaba ko- char! Ang O.A. pero oo sobrang kaba talaga, hindi ko rin alam kung bakit. Eh ang mga invited lang naman sa party ay friends naming tatlo, lalo na akin syempre ako ang may birth day. Pero kinakabahan pa rin ako huhu. "Miss Kaigela, you look stunning." Salubong ni Kuya Jomari sa amin ni Scarlette. "Thank you po! Hihi." Biglang sabi ni Scarlette sa tabi ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Kaigela nga daw 'di ba? Kelan pa naging Kaigela ang Sean ha?!" I told him, yes kanina chinika niya sa akin na Sean ang totoo niyang pangalan. Kaloka ito kala mo talaga ang ganda niya ngayon. Eh naka-polo naman siya ngayon, kaso kulay pink, but I can't deny the fact that he's handsome in his brushed up hair. Kahit pa naka-lip stain ang bruha. Dumiretso kami sa back door ng mansion at pumasok sa kitchen, and then papunta ng sala. Hindi kami napansin ng mga tao dahil nasa gitna ang isa sa mga kaklase ko ay nasa gitna ng sala, leading the prayer. Lahat ng ilaw ay nakapatay at nakatutok lang sa kaniya ang mga spotlights kaya nasa blind spot kami. When we finally reached the second floor ay tumigil kami't humarap sa grand staircase, inayos ulit ni Scarlette ang gown ko't tinulungan naman siya ni Kuya Jomari. After that ay narinrinig ko nangini-introduce ako ni Haechelle from the speakers. Tumabi naman sakin si Scarlette at bumulong. "Grabe sis ha ang laki ng sisingilin ko kay Haechelle." Ino-offer niya sakin ang braso. "Ang ganda ganda ko pero ginawa akong escort." I was a bit shocked dahil ang alam ko ay si Kuya Jonel ang mage-escort sa akin pero huli na ang lahat para mag-inarte pa ako kaya inangkla ko nalang ang braso ko sa kaniya tsaka kami nag-umpisang bumaba nang marinig namin ang hudyat. [Please Play! Girls' Generation TAEYEON - I]     As we took our steps pababa, hindi ko maiwasang hindi lumingon sa paligid. Everything's seems perfect. Hindi lang dahil sa mga designs na nakapalibot sa paligid, but because of the people na um-attend. Hindi naman madami ang bisita dahil friends lang naming tatlo at ilang cousins ko ang invited kaya naman napaka-saya ko. I understand naman kung bakit hindi uma-attend sa ganitong party ang parents and other family members of mine eh. Hindi ko rin kakayanin dahil kung sasama sila sa party na ito ay baka pati mga business partners nila ay kasama na rin. But that doesn't mean na hindi na ako mahal ng mga magulang ko 'no. Bukas pa kami magce-celebrate with them, on a dinner with Haechelle's and Jinky's parents din. Nang makababa kami ng hagdan ay tumumbling ako- charot. Nagpapalakpakan pa rin ang mga tao, hanggang sa makarating ako sa mini stage na sinet up, at umupo sa isang single sofa (na tulad mong single din.) "Sis, magu-umpisa pa lang. Mamaya ka na umiyak." Bulong ni Scarlette habang inaalalayan ako sa gown ko. "To start our program, we will begin with the 18 candles." The program went on, at wala akong ibang ginawa kundi ngumiti, mag-punas ng luha at tumawa as I listen to their messages and wishes. I became teary eyed because of the stories they've been telling. Stories kung paano nila ako nakilala, or anong magandang naiambag ko sa buhay nila. "Ahm Miss Rodelyn." Panimula ni Beatrice, isa sa mga kaklase namin. "Isa ka sa mga pinaka-thankful ako na nakilala ko. Bukod sa iniligtas mo ako sa tiyak na kapahamakan, binigyan mo pa ako ng magandang buhay pagkatapos non. I'll be forever grateful to you. Happy Birthday, I wish you all the best in life!" She's talking about the scene na nangyari 1 year ago, kung saan muntikan na siyang magahasa pero buti na lang napadaan ako sa kalye nila kaya tinulungan ko siya. Ipinasok ko na din siya sa Central High as a scholar at ngayon ay nasa klase na namin siya. Akalain mo 'yon? Sa sobrang ganda ko, umaabot hanggang sa actions ko?! I can't explain the profound feeling, lalo na nang mag-umpisa nang mag- 18 Lava Cake!!!! Mostly nang nasa 18 Lava Cakes ay mga pinsan naming tatlo, and they're required to bring Lava Cakes na favorite ko!  Na hindi naman gumana kay Nuhesia. Pero bukas nalang ako makiki-chika kasi tapos na ang turn niya. Malawak ang ngiti sa akin ni Kuya Julius habang papalapit siya sa akin. "Wag mo akong bubugbugin sa sobrang saya kapag nakita mo na ang regalo ko sa'yo ha." He said as we sway to the beat of the music. "Depende, I can't promise that." Sagot ko naman sa kaniya at nagtawanan kami. "Happy Birthday muli Kaigela!" And then he twirled me to my next partner. "Ayo GG!" Muntik pa akong matumba sa gulat nang pagkaharap ko ay si Jam ang nakaharap ko. "Kung may balak kang patayin ako sa gulat, wag naman sana sa araw ng birthday ko ano?" I told him. Tinawanan niya lang ako. "We told you already, hindi kami kaaway. At saka ang cheap naman ng pagkamatay mo kung magugulat ka lang 'di ba? Dapat gawin naman nating may thrill!" Nahampas ko tuloy ang balikat niya pero natawa pa rin naman ako sa sinabi niya. "Happy Birthday!" he said bago nanaman ako iikot. Bakit ba kailangan may ikot effect pa? This time ay si Justin Kaile naman ang nakaharap ko. He's smiling at me. "I'm sorry sa nangyari sa beloved dagger mo kanina." Panimula niya. Nginitian ko naman siya. "And for the bad impression we've caused." "Jusme ilang beses ba kayo hihingi ng despensa?" Natawa muna siya bago sumagot. "I am being sorry here, on behalf of him." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Are you pertaining to Mark Niwel?" "Yep, at kung ako sa'yo never ko siyang tatawagin sa second name niya." What? Ganoon ba siya ka-cruel para hindi mag-sorry sa ginawa niya kanina? At ano daw? Anong meron sa Niwel? "At bakit naman?" He shrugged. "He hates it." Hindi na ako sumagot at hinintay na lang na iikot niya rin ako't mapunta ako sa last na makakapartner ko. Kaya lang isa ata akong kalahating maganda't kalahating tanga dahil hindi ko nasipa yung gown ko kaya naapakan ko ang dulo kaya medyo na-out of balance ako sa pag-ikot. But before I could kiss the ground ay may sumalo na sa bewang ko para hindi ako tuluyang madapa. "Gotcha, clumsy." My breath hitched as I heard his deep voice, the smell of mint registered in my nostrils. Hindi ako makapagsalita, hindi sa gulat, I am just stunned for an unknown reason. Instead, ay umayos ako ng tayo. Nagdadalawang isip pa kung ipapatong ko ba ang kamay ko sa balikat niya. In the end ay ginawa ko rin, wala na rin naman akong choice. Nandito na eh. We were quiet. Hindi siya nagsalita 'di gaya ng dalawang nauna niyang kaibigan. Ni hindi niya nga ata ako tinatapunan ng tingin eh. Which, I think, is a great idea anyway. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. Ni hindi ko nga alam kung bakit kailangan kong makaramdam ng pagka-ilang, gayong hindi naman kami close. Kakakilala pa nga lang namin eh. Tutal naman last dance na ito, na hindi ko rin matanggap na siya ang naka-last dance ko, ay mas maganda nga sigurong manahimik na lang kami. Or so I thought. "Your dagger needs to be sharpened." Nahalata naman niyang nagulat ako sa pagsasalita niya. Hindi ko naman kasi ine-expect na magsasalita siya. Wala rin akong balak na chikahin siya dahil baka barahin nanaman niya ako. Kaso baka sabihin naman niya snob ang beauty ko kaya sige na nga sasagutin ko ang sinabi niya -___- "Matagal ko din kasing hindi nagamit 'yon." He's still not looking at me when he said: "I didn't asked anyway." See. Ayoko talaga siyang makausap, baka maasar ako't magsaksakan nalang kaming dalawa dito imbes na sumayaw ng payapa eh. Huminga nalang ako ng malalim to calm myself. Hindi nalang ako papalag, gusto ko nalang matapos 'tong gabing 'to at ang birthday ko ng payapa. Hindi tulad ng ginawa ng iba, hindi niya ako binati ng Happy Birthday bago iikot. Hudyat na tapos na ang sayaw. Sa halip ay narinig ko siyang bumulong ng "Exactly, who are you?" Okay mukhang hindi payapa ang tulog ko tonight. K bye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD