Episode 6

2231 Words
Haechelle Nuhesia's POV As soon as makarating ako sa mansion ay nagbihis muna 'ko ng shirt at jeans at saka inasikaso ko na ang set up ng mansion, of course with the help of my dear classmates. I'm in the middle of checking the whole sala na ginawa naming events' place ngayon nang tumunog ang cellphone ko. I fished it out of my pocket only to find out that I have received a text galing kay Jinky na 'di uso ang diet. Ang malas ng magiging boyfriend nito, magkakaroon siya ng palamunin. Tsk. At talagang nakakairita ang pangalan niya sa contacts ko ha, na siya naman ang nag-set. -___-  From: Jinky Luhannah Maganda dialling Jinky Luhannah Maganda Ugh, ipaalala niyo nga sa akin na palitan 'yang pangalan niya mamaya. "Jinky Luhannah Park na 'di uso ang diet. How is it possible na kasama mo ang isa sa tatlong ugok?" "Haechelle Nuhesia Rodriguez, may I remind you that food is life. At kung makapagsalita ka naman parang impossibleng makasama ko sila e tao lang rin naman sila— ewan ko lang sa isang 'to." "Dami mong sinabi." "Yah, do not use my own line against me!" "Ewan ko sa'yo, bilisan mo na nga lang." I dropped the call and returned my phone into my pocket. Ni hindi man lang nasagot ang tanong ko, wala talagang sense 'to kausap si Jinky kahit kelan. "Ms. Haechelle, nandito na po ang kotse nila Sir Julius." Ngumiti ako kay Manang Dolores at tumango bago nagpasalamat. Nag-bow lang siya sakin tsaka umalis. Tsaka naman ako pumunta sa double door para salubungin sila Kuya Julius kasama yung dalawa sa tatlong ugok. Pagbaba nila ng kotse agad na nagtama ang paningin namin ni Mark. Walang emosyon, ganun din ako sa kaniya. Wala na kong balak magpakita ng kahit anong emosyon sa kaniya. Kahit kailan. At hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa niya kanina. Tsk. Agad namang na-divert ang tingin ko sa lalaking humarang sa harap ni Mhark at kumaway sakin. Yung lalaking nakasalamin, yung Jam. Tsk, ang pangit naman ng nickname niya. Agad na napataas ang kilay ko ng kindatan niya ako. Nang makita niya ang reaction ko ay tumawa siya kaya tinarayan ko lang siya.  Huling lumabas si Kuya Julius na may pakana ng lahat ng 'to. Char. Ngumiti siya sakin pero tinanguan ko lang sila. Tsaka ako tumalikod at pumasok sa loob. "Entertain them." Utos ko sa dalawang maid na nakatayo sa gilid ng magkabilang pinto.  Tumango ang mga ito, kaya nagpatuloy na ako sa pagpasok sa loob. Dumiretso ako sa Garden namin through the Kitchen. Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong hininga. I know I can't runaway from it, pero talaga bang ganito ka lakas ang trip ng tadhana? Takte naman. Agad akong napasabunot sa Bermuda Grass na inuupuan ko ng maramdaman ko ang presensya ng taong pinakahuling gusto kong makasama. "Gardens are your sanctuary." Tuluyan kong nabunot ang mga damo. s**t. Does that mean... "People created bench to sit on, but you chose to sit on the grass." This time ay pumunta na siya sa tabi ko at umupo din sa damuhan. "Kelan pa?" I resisted myself from sreaming. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong yumuko siya bago sumagot.  "Kanina, amidst the scene." Dama kong napatingin siya sakin bago nagpatuloy. "Pero hindi lahat. There are still missing pieces." Nilingon ko siya, at for the first time after 2 years ay may nakita akong emotion sa mata niya, pain, napangisi nalang ako. Paano pa kaya kapag lahat na?  "Hindi mo na kailangan alalahanin, wala nang kailangan balikan." Sabi ko bago tumayo't tumalikod. "Kung alam mo lang rin kung gano ako nagsisi na naging tanga ako non." Napabuntong hininga ako nang maalala ko nanaman kung gaano ako katanga dati. "I was left without a choice." Napayuko ako, at nakita kong nakatingin siya sakin, this time ay wala na ulit mababakas na ano mang emosyon. "Do you—" tumayo siya bago ipagpatuloy ang itatanong niya't pumunta sa harap ko. "Do you know any thing?" He asked. I felt a light sting on my chest, guilt ate me. I wasn't even supposed to feel this again! "Mark, I still want to keep running from it. Tama nang isang beses akong nakasakit. Tama na." Maglalakad na sana ako't lalampasan siya, kaya lang nahawakan niya ang braso ko. Wow, after 2 years. Muli siyang bumaling sakin. "So there's really something. And you know. Every thing." Hindi ko siya tinignan. Diretso lang ang tingin ko sa sliding door na natatakpan ng kurtina na naghahati sa kusina ng bahay kung saan busy ang mga Chef namin at ang Garden kung saan malamok na pero nagawa pa naming magmoment ni Mhark. Wao. "Yes." Tsaka ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. I looked at his black eyes na sana di ko na lang ginawa. Parang wala sa mukha niya na isa siyang Leader, bakas na bakas sa mukha niya ang iba't ibang emosyon. Longing? Agony? Napangisi nalang ako sa loob loob ko. It isn't for me anyway. "I, Haechelle Nuhesia Rodriguez, Leader of Black Lila, orders you to stay away from me and my group." Sabi ko sa kaniya bago tumalikod ulit. This time totoo na 'to, papasok na talaga ako kasi nilalamok ako. Pero bago pa ako makapasok ay narinig kong sinabi niya na: "Psh. As if I care." Taena mo Mhark. Pakingshet ka. Alam ko naman na wala kang pake, charot charot lang naman yun. Para madrama exit ko. Amp. "Ms. Haechelle, everything's done." Bungad nanaman sakin ni Manang Dolores pagpasok ko sa kusina. Okay, may dalawa na siyang lines. Tumango lang ako sa kaniya at dumiretso sa salas. Nakita ko pa si Kuya Julius at Jam sa nakatingin sakin habang prenteng nakaupo sa isang round table. Tinignan ko lang sila ng saglit bago bumaling sa mga kaklase ko na kaniya kaniya ding upo sa iba pang round table na nakakalat sa salas namin. "Haechelle!" Agad akong napapikit ng marinig ang boses ni Jenelyn. Ang tinis kasi ng boses niya. Lumapit naman ako sa table nila. Ino-occupy ng section namin ang apat na round tables na hindi naman malalayo sa isa't isa. "Ingay mo Orosa. Baka mabasag mga Vase nila Haechelle, babayaran mo yan." Tinarayan lang ni Jenelyn si Maricar kaya tumawa kaming lahat. Humugot ako ng upuan mula sa isang bakanteng table at naki-upo sa table nila. "Wag ka, milyones yang mga 'yan!" Sabi naman ni Raina. Na ginatungan ko pa ng "Mas mahal pa yan sa buhay mo!" Kaya lalo kaming nagtawanan. "So Haechelle. Pwede ko na bang ligawan si Rodelyn?" Agad ko namang sinamaan ng tingin si Anthony. Pero tinawanan lang ako. Bakit sakin siya nagpapaalam? Ako ba si Rodelyn?! Kaloka 'to. "Manahimik ka Antonio. Hinding hindi magkakagusto sayo si Rod. Pangit mo kaya!" Muli nanaman kaming nagtawanan sa sinabi ni Aldren. Nanahimik din naman agad nang bumawi si Anthony. "Bakit ikaw? Gwapo nga eh di ka pa din nakakascore kay Haechelle sa ilang taon mo nang panliligaw sa kaniya." Napakamot nalang si Aldren sa batok na nasa likod na table lang namin. Habang ang iba ay nag-ehem at tinawanan si Aldren. "Ah so manliligaw ka pala niya?" Tuluyan ng namayani ang katahimikan sa amin nang magsalita si Jam na ang pangit ng nickname. Nagangat ng tingin si Aldren at sinalubong ang taas kilay na tanong ni Jam na ang pangit ng nickname. "Ah, Oo pre—" "Wag mo akong ma-pre pre. Close tayo?" Literal na napa-facepalm ako sa ginawa ni Jam na ang pangit ng nickname. Ano bang pinaglalaban ng isang 'to?! Adik 'to ah! "Kailan ka pa nanligaw?" Tanong nanaman niya ulit. Tapos bigla biglang magtatanong?! Aish! "Since Grade 7." Bakit ka kasi sumasagot Aldren?! Bakit?! "Ah okay. So chelle, bakit di mo pa siya sinasagot?" Hindi talaga ako nagdalawang isip na sagutin agad siya ng — "Bakit ko sasabihin sayo? Close ba tayo?!" Narinig ko ang mahinang tawa ng mga classmate namin, nakita ko rin ang pag-ngisi't iling ni Mark na nakabalik na pala, paghalakhak ni Kuya Julius at singhap niya mismo. Shock na shock?!  Imbis na sumagot ay bumaling siya ulit kay Aldren. "Cograts par, I'd gladly accept competition." Sabi niya sabay offer ng kamay niya kay Aldren na naghe-hesitate kunin iyon. Eh ano namang pinagsasabi nito? "Hoy, anong trip mo?" Tumayo ako't lumapit sa kaniya. Buti na lang talaga kaming Adorable pa lang ang nandito. He finally pulled his hands back and faced me before grinning like a kid and said: "Liligawan kita!" Say what?! Dala nang gulat at bad trip sa sinabi niya ay sinapak ko siya. Kaya lang bago pa man mag-landing ang beautiful na kamao ko ay nasangga na niya 'yon. Ngumuso siya sakin bago magsalita. "Babe naman, hindi pa nagiging tayo sadista ka na agad?" Sasapakin ko na ulit siya nang may magsalita. "Hoy Haechelle ano nanamang eksena 'yan?" When I turned to the double door ay nandoon si Jinky, kasama nga niya 'yong Justin Kaile Gomez. Nakapameywang pa ang bruha habang may hawak na transparent na plastic na may lamang pipino. Lumapit sa amin si Jinky habang 'yong Justin sa table nina Kuya Julius naman dumiretso't nakipag-usap kay na Mark. "We better get going, isang oras na lang magsisimula na ang party. Mamaya na kayo mag-salvage-an diyan tara na't mag-ayos." Hinila na ako ni Jinky paakyat sa 2nd floor, hinayaan ko na lang siya na kaladkarin ako't 'di na tumingin sa mga tao sa baba kahit pa dama ko ang tingin nila sa amin ni Jinky. Dumiretso si Jinky sa kwarto niya na hila hila pa rin ako. Binitawan niya lang ako nang makapasok na kami sa loob. "Ano namang alikabok ang nalanghap mo't balak mo pa atang magpa-danak ng dugo sa party ni Rodelyn?" "Ang O.A mo Jinky." "I'm not! Minsan nang may na-comatose sa suntok mong gaga ka." Sinamaan ko siya nang tingin bago pumunta sa pinto. "Kita mo 'to lalayasan pa ako." Nilingon ko naman siya. "Nagmamadali nga tayo 'di ba? Ikaw ang sasalo ng sapak ko sa kaniya eh." I turned the knob pero nilingon ko ulit siya bago tuluyang lumabas. "And you still need to explain yourself paanong magkasama kayo." Tinarayan lang ako ni Jinky at naglakad na ako patungo ng kwarto ko. I dialled Scarlette's number bago maligo.  Rodelyn Kaigela's POV "Bakla we need to go na." Tinignan ko si Scarlette na kakabalik lang dahil may tumatawag daw sa kaniya. Tapos na niya akong ayusan and I must say na may talent siya ha, dahil ang ganda ko lalo hihi! "You're coming with me?" "Susme naman walang english english please! And yes madame, si Haechelle ang tumawag. I-assist na lang daw kita dahil nandoon na sila sa mansion. Sa condo ko nalang tayo magbibihis tutal naman ay malapit at madadaanan natin papunta sa house ninyo." Tumango nalang ako't sumunod since order naman pala ni Haechelle. At wala naman sa hitsura niya na re-rape-in niya ako dahil kahit sobrang ganda ko ay wala naman akong itlog at hotdog na hinahanap ni Scarlette -___- While we were on our way papuntang hintayan ng taxi ay hindi ko maiwasang mailang sa mga tingin ng tao sa akin. "Bakla, I really do have magic hands 'no? Napaganda kita ng ganiyan?" bulong pa ng baklang 'to nang makalabas kami ng Mall. "Pinagsasabi mo? Maganda na talaga ako, pinatungan mo lang ng make up." Sinamaan ko siya ng tingin. "Asus sis, 'di mo na lang i-admit na ang ganda ganda mo tonight because of the gorgeous me." Kukunin ko sana 'yong heels na binigay kanina ni Haechelle na isusuot ko para sa party, para ipukpok ko sa kaniya kaso hawak niya ang paper bag non. Kaya sinabunutan ko na lang siya. Tutal medyo close naman na kami magmula kanina nang ayusan niya ako, matabil lang talaga dila niya. "Oo sobrang ganda ko napagkakamalan kang P.A diyan." Pagkasakay namin ng taxi ay sinabi niya agad sa driver ang pangalan ng condo niya. At totoo nga, nadadaanan namin 'yon at hindi masyadong malayo sa subdivision namin. When we finally arrived ay mabilis kaming nagdiretso sa elevator para umakyat. "Sis okay ka lang?" tanong ni Scarlette, napansin niya ata na medyo nahihilo ako.  Ewan ko ba kung bakit, ang tanda tanda ko na hindi pa din ako sanay sa elevator kahit halos lahat naman ng pinupuntahan ko ay may elevator. "Okay lang, don't mind me." As soon as makalabas kami ng elevator ay nakahinga na ako ng maluwag. Patakbo pa kaming pumunta sa pintuan ng unit niya. Pumasok siya sa isang pinto na I'm guessing it's his room, habang ako naman ay naiwan sa receiving area at naupo sa single sofa. Ito talaga ang mga moment na nagpapasalamat ako na hindi ako pawising tao kaya hindi ako haggard ngayon. "Sis sa kwarto ka na magbihis, doon ako sa bathroom. Huwag kang mag-alala wala akong sinet-up na camera diyan, wala ka namang abs." Natawa na lang ako sa sinabi niya't kinuha ang paper bag ng gown at stiletto na susuotin ko bago dumiretso sa kwarto niya. At confirmed ngang pusong babae itong si Scarlette dahil pink ang mostly ng gamit sa kwarto niya, may posters pa ng BTS sa pader. Tumingin ako sa full body length mirror na pink sa kwarto ni Scarlette, ang ganda ng gown at stiletto ko kahit hindi naman kita dahil natatakpan ng gown. Grabe si Mommy, she really must pursue her designing career. "Wow taray may iga-ganda ka pa pala Rodelyn!" Sabi ni Scarlette nang makalabas ako ng kwarto at makita niya ako. "Tigilan mo ako hindi ako magdadalawang isip na hubarin 'tong heels para ipukpok sa'yo!" "Charot lang eh, tara na! Let's party!" ------------- An: Hello Adorabians and Ma'am Rabi! (tho masyadong malabong mabasa niyo ito haha!) Hello din Scarlette! I wavyu!  -Aze
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD