Episode 5

2709 Words
Jinky Luhannah's POV Lumapit na sa akin ng tuluyan si Justin Kaile habang buhat buhat yung batang umiiyak pa din. Ano? Anak niya ba talaga 'to? "Babe, sorry na kasi kita mo umiiyak na si Baby oh." Kinurot ko ang tagiliran niya kaya napaatras siya ng konti. "Tigilan mo ako ha, hindi ako baboy! Wag mo nga akong dinadamay damay sa anak mo." Natawa naman siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? "This isn't mine babe, kalma. Samahan mo nalang ako na ibalik siya sa totoo niyang mga magulang." Tsaka siya ngumiti sa akin. Hanudaw? Di niya anak 'yan? "Di mo pala anak eh ibaba mo 'yan baka kasuhan ka ng kidnap!" "Wow concerned." Ngisi niya sa akin kaya hinampas ko naman siya sa braso. "Easy, kaya nga natin ibabalik eh." "Mas maganda siguro kung patatahimikin muna natin siya ano? Pinagtitinginan na tayo dahil sa iyak niya." Sabi ko kaya tumingin siya sa paligid. Kanina ko pa din naririnig ang bulungan ng mga tao sa paligid na batang ama't ina daw kami! Inis! >'may I remind you' ha?"  Hinampas ko ulit siya sa braso. Tignan mo 'to, kung hindi lang dahil sa batang kasama namin ngayon iniwan ko na talaga 'tong power trippings na 'to. "But anyway, let it go. Sa ngayon, pasayahin muna natin ang anak natin. Mamaya ibabalik rin natin siya." Hindi na ako umangal pa dahil ibabalik naman daw namin si Sebastian. Mukhang feel na feel pa niya na anak nga namin 'tong batang 'to. "Daddy, I've decided na! I want that little kitchen!" Napatingin kaming dalawa sa tinuturo ni Sebastian. Yung luto-lutuan na may oven pa ang gusto niya. Jusko! Bakla ba 'to? Sayang! "Seriously Baby? You want that? But that's for girls." Ako naman ang nagtanong sa anak kuno namin. Aba, wala pa akong naiia-ambag na script para sa batang 'to. Marunong naman ako mag-english talaga, nakakapagod lang talaga. Charot! "I want to buy that for my little sister, Sable." He said and smiled at me. Napangiti rin tuloy ako, ang gwapo gwapong bata! Mabait pa—ay Jinky ha! That's bad! Child abuse 'yan! "Okay, we're going to buy that." Si Justin na ang nag-asikaso ng mini kitchen na gustong bilhin ni Seb para sa little sister niyang si able nga daw. Siya na din ang nagbayad kaya hindi na ako umangal, ma-pera si kumag! Pagkatapos namin magbayad ay lumabas na kami ng shop para kumain naman. Dahil nakakahiya naman wala pa akong naa-ambag from my pocket, ay ako naman ang nag-aya sa isang Ice Cream Shop na favorite ko. Dahil na rin pala sa kuripot ako kaya dito ko nalang sila dinala hehe. I ordered my all time favorite Strawberry Shortcake flavored Ice Cream. Si Justin naman na power trippings nanaman ay Bagoong Flavor ang pinili. Habang ang baby Seb namin (Naks! Namin?!) being a baby as he is, ay nakuntento na sa Choco Locco flavor. "Baby!" Tinawag ni Kaile si Seb. Pagkalingon ng bata ay nilagyan ni Kaile ng Ice Cream sa pisngi si Sebastian. Gumanti rin ang bata hanggang sa nauwi ito sa di inaasahang pangyayari— eme lang! Naglaro sila ng Bato-Bato-Pick, ang matalo tanga! De joke lang uli, pupunasan ng Ice Cream sa mukha. "Mommy join us!" Yaya sakin ng inglisero kong anak. Umiling ako dahil mas gusto kong kumain ng ice cream ko habang pinapanood silang dalawa maglaro. Napakacute, sarap kurutin ng dalawa! Pero si Justin Kaile, nail cutter ang ipangkukurot ko sa pisngi niya. Bumulong si Kaile kay Sebastian. Medyo unaudible sa pandinig ko at tanging narinig ko lang ay mommy at ice cream. Kaya malakas ang kutob ko na pupunasan rin nila ako. At hindi ako makakapayag dun, mandadamay nanaman sila ng maganda jusq?! "Bato, bato, pick!" Parehas na papel ang kamay nila pero imbis na umulit sila ay pinahiran nila ako pareho sa magkabilang pisngi. Ay leche! Ang lagkit! At amoy bagoong talaga dahil yung kay Justin ang ginagamit nilang pangpahid. "Kayong dalawa..." Pinahiran ko rin silang dalawa, tig-isa. Kaya ang ending— nagpahiran kaming tatlo! Sobrang lagkit na ng mga mukha't kamay namin pero di namin yun pinapansin. Nakatingin pa nga samin yung mga staffs ng Ice Cream Parlor at mukhang natutuwa. Buti naman, itong araw na 'to talaga pakiramdam ko mapapalayas ako sa sarili 'kong mall eh. "Halaaa! Kalahati nalang natitirang ice cream ko!" Tsaka ako nag-pout na parang bata. Kalahati kasi ng ice cream ay pinahid ko sa mukha nila. Leche, buti sana kung nakain ng mga balat nila pero hindi e! Kainis!  Dahil dun ay nagdecide kaming kainin nalang yung natitira. Since nasa balat nilang dalawa yung ice cream nila, hati-hati kaming tatlo sa kalahating tira ng sakin. Kahit masakit sa kasukasuan ko ay pumayag ako since nag-enjoy din naman ako sa laro nila kanina. "Mommy, aaah!" Binuka ni Seb ang bunganga niya sa harap ko kaya sinubuan ko siya. Ngumiti naman sakin ang kyot na kyot na batang ire ng pagkalaki-laki! "Babe, ako wala?!" Napatingin naman ako sa naliligaw na alien sa tabi ni Seb. Nakapout ang loko at feeling artista sa pag-acting na nagtatampo, may pa-nguso nguso pang nalalaman, leche. Sinubuan ko rin siya tsaka naman niya ginaya kung pano ngumiti kanina si Sebastian. Mahabagin! "Ang panget mo!" Tsaka ko pinahid ulit sa kaniya yung ice cream. Tsaka ko lang narealize na kutsara ko yung ginamit kong pansubo sa kaniya. Does that mean- we undirectly kissed each other?! Omo my precious first kiss!! Masama ko siyang tinignan with the thought of that, pero ang bruhildo mukhang 'di alam kung bakit kumukulo ang dugo ko sa kaniya kaya patuloy lang siya sa pag kain ng ice cream na nagpapa-cute pa. Natauhan naman ako nang ako na naman ang pahiran niya ng ice cream. Sabay pa silang tumawa sa harap ko. Mga Bad! Ahuhu. "Tignan mo si Mommy baby, mas cute pa sa'yo." Namula naman daw ako bigla sa sinabi ni Kaile. Ay pakshet, hindi ako cute maganda ako! Nakaka-offend 'to ha! "Ay nako! Tara na nga! Ang dungis niyo nang dalawa oh!" Sabi ko tsaka ako tumayo. Pumunta kami ng Comfort Room para mag-ayos. Syempre magkasama silang dalawa na pumasok sa Male at ako naman sa Female. Naghilamos lang ako tsaka nagpulbos at Lip Balm. Tadaa~ Okay na! Ganda ganda ko na ulit! Pwede na 'kong Ms. U! "Look at Mommy, Seb. Isn't she lovely?" Nagulantang naman daw lahat ng bulate ko sa tiyan sa sinabi ni Kaile. Grabe naman Kaile, walang pasabi? Bungad na bungad pagkalabas ko ng pinto! Kaloka! "Right Daddy, I want to have a Girlfriend as beautiful as Mommy is." Nagtwinkle ang mga mata ni Seb habang sinasabi niya yun. "Ay nako kayong dalawa. Seb, that will be someday but not too soon okay?" Tumango naman sakin ang baby ko. Hihi kyot kyot. Then I turn to this alien na maka-banat akala mo elastic akong tao. Char. "At ikaw naman, tara na't ibalik na natin siya sa mga magulang niya. Baka nahimatay na yun sa kakahanap kay Seb." Tinawanan niya lang ako bago buhatin si Seb at hawakan ulit ang kamay ko. Diyos ko, last naman na 'to kaya hindi na ako umangal. Basta ibababad ko ang kamay ko sa Muriatic Acid mamaya. Char! "Daddy, where are we off to?" Tanong ni Sebastian pagkalabas namin ng Ice Cream Shop. "We should find your real parents." Sadness showed from his pair of blue eyes. Nako! Ayaw bang umuwi ng batang 'to? Baka binubugbog 'to ng parents niya? "Why? You don't want to return to your real parents?" Umiling ito. "It's not like that. I just want to be with you a little longer." Tsaka ngumuso ang bata. Hinila ko sila sa malapit na bench. Magpapaka-nanay muna ako. Pagkaupo nilang dalawa ay pumunta ako sa harap ni Baby Sebastian na nakanguso parin at pumantay sa kaniya. "Bago ang lahat baby, pakurot muna." Kinurot ko siya sa pisngi at nanggigil saglit. Kung di pa hinawakan at tinanggal ni Kaile ang kamay ko baka nalamog na ang pisngi ng batang 'to. "Baby, kailangan ka na naming ibalik kasi hindi ka naman samin." Panimula ko. Ayokong magfull english, baka wala na akong maispeech mamaya sa debut—shoot! May party papala! "It's bad na magtagal ka pa samin, kasi we might accused kindapping for not returning you agad. Tsaka isa pa, we have to do something pa ng Daddy mo." Sabay baling ko ng tingin kay Kaile na nakangisi sakin. At aba, di pa niya binibitawan ang kamay ko. "And for sure, umiiyak na ang totoo mong mommy at daddy right now." Hinawakan ko ang kyot na kyot na pisngi niya with my free hand. "Kasi their baby is missing." Then I smiled sweetly to him. Nilagay ko ang thumb ko sa right corner ng lips niya pero di sapat kaya binalingan ko si Kaile. "Akin na nga 'tong kamay ko!" Tsaka ko binawi ang kamay ko't nilagay yung isang thumb ko sa kabilang corner ng lips niya to form a smile. "Smile ka na!" I told him as I purse his lips up. Di naman nagtagal ay kusa na siyang ngumiti. "I'm okay na Mommy. Let's go na po." "Good Boy!" ginulo ko ang buhok niya. Tumayo na siya sa bench, pati si Kaile. This time ako ang may hawak kay Seb, sa kanan ko siya tapos sa Kaliwa ko si Kaile, na hinawakan nanaman ang kamay ko. Lakas talaga makachansing! Last na niya talaga 'to. "Best Mommy Award!" Bulong niya sa tenga ko. Napangiwi ako't lumayo ng konti dahil nakiliti ako sa init ng hininga niya. Samantalang tinawanan niya lang ako. Leche talaga 'to. Hindi ko masabi kung gwapo ba siya o maganda sa pagngisi niya eh. "Sebastian!" Agad na lumapit— or tumakbo I should say— ang isang ginang papunta sa direksyon namin, di pa man kami nakakalapit sa Information Desk ng Mall. Bumitaw din sa hawak sakin si Sebastian at tumakbo din papunta sa direskyon ng Ginang na kasalukuyang umiiyak. "Oh my goodness! Thank God!" Sambit niya ng mayakap ang saglit na nawalang si Sebastian. Chineck niya ang kabuuan nito at tinanong kung okay lang ito. Mabilis na tumango ang bata. Tsaka siya muling niyakap ng ginang, sinasambit ang salitang 'sorry'. "I'm very grateful that my son met kind people like you, in this kind of environment we have." Biglang salita ng isang Ginoo na may blue din na eyes, Tatay yata ni Sebastian. Aba ang gwapo din ha, pina-mature na version ni Seb. "You must be Sebastian's Father Mister." Tanong ni Kaile. Na hawak parin ang kamay ko. Chansing lvl99 talaga nako! >< "Yes. Again, Thank You for taking care of Sebastian." Para naman kaming nagbaby sit lang kay Sebastian sa sinabi ng mister na 'to. Kaloka! Pero dahil medyo plastik ako, ngumiti ako sa kaniya at nag-your welcome. "Maraming salamat naman at maayos lang ang anak ko. Patawarin niyo kami sa pagpapabaya ha? Maraming salamat ulit. God bless you both." This time yung Ginang, na tunay na Mommy ni Seb, ang nagsalita. "Wala po yun. Kung sa anak siguro po namin yun nangyari, siyempre we'll be sick worrying po." Ngumiti nalang ako at pasimpleng siniko si Kaile. Hehehehe mga salita neto e no? Anak? Namin? Hindi dapat matatapos ang araw na 'to na hindi siya nagmumumog ng muriatic. "Why? Is she pregnant?" Tanong ng Tatay ni Seb. Magsasalita palang sana ako pero naunahan ako ni Kaile. "No. We hadn't graduated yet. We want to get married after we graduate." Sabay akbay sakin. Literal na napanganga ako sa sinabi niya habang siya ngiti ngiti lang! Ano ba 'to nakalaklak ba 'to ng Zonrox? "Ganun ba? Then we wish you all the best. Mauuna na pala kami, Sebi, say thank you and goodbye to them na." Utos ng Ginang kay Seb. Habang nakatingin sila kay Seb ay mabilis kong kinurot sa tagiliran si Kaile. Na neto. Lumapit si Sebastian samin kaya yumuko kami para magka-level kami. Ngumuso itong muli samin. Ang kyot kyot talaga! Dapat di na namin siya binalik e tas gawin kong keychain. Iiih charot! "Mommy." Kiniss niya ko sa lips. Yii! "Daddy." Tapos si Kaile naman. Anla! Sweet na bataa! "We're going to meet again, right?" Tanong niya samin habang nakanguso. "Of course, Baby." Sagot ko habang nakangiti. Kaso may umepal naman at dinagdagan nanaman ng kalokohan niya. "At when that time comes, you have your little brother or sister from us na." Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero kinindatan niya lang ako. Mamaya ka lang sakin. "Sige na Baby, uwi na kayo. Take care and don't leave their side again okay?" Sabi niya kay Seb pero nakatingin parin ako ng masama sa kaniya. "Oh? Inlove ka na sakin niyan? Paano na ang—" Una ay ngumisi siya sakin pero natigilan din siya nang may marealize. Napataas ang kilay ko dahil napatakip pa siya ng bibig. Ano namang pumasok sa isip nito? Bakla. Ni hindi ko manlang napansin na umalis na pala ang pamilya ni Seb. Kakatingin— Kakapatay I should say, ko sa kaniya gamit ang masamang tingin. Iniwan ko siya sa kinatatayuan namin kanina at nagsimulang maglakad papabalik sa Salon.  Bahala siya diyan. Kaya lang natigil ako sa paglalakad nang mag-vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kung sinong nag-text.  From: Haechelle Nuhesia Rodriguez Luhannah, nauna na 'ko papunta sa mansion dahil andun na ang Adorable. Nagtext si Kuya Julius na nandiyan sila sa Mall kasama yung tatlong ugok. Sumabay ka na sa kanila. I'm expecting you here in less than an hour. Ppali.  "Tatlong ugok?" Agad akong kumilos. Reflex. Siniko ko ang taong bumulong sa South West ko gamit ang kaliwang siko ko, pero bago pa ito maglanding ay napigilan na ito ng kamay. Tsaka ko narealize na si Kaile pala yun. Nanlaki ang mata ko't binawi ang siko ko bago umatras. Nakasimangot siya habang nakatutok ang tingin sa cellphone ko. Agad kong pinatay ang cellphone. "Don't you know that it's rude to peek at someone's private message if it's not for you?" "Akala ko ba walang english?" "Ewan ko sa'yo panget mo!" Maglalakad na sana ako pero narealize kong kailangan ko pala sumabay sa kanila. Leche din 'to si Haechelle e how dare she leave me here na walang kotse? Hinarap ko ulit si Justin Kaile at sinamaan siya ng tingin nang makitang nakangiti siya sakin. "Nasaan sina Kuya Julius? Tutal naman nabasa mo din yung text message ni Haechelle, alam mo nang sa inyo ako dapat sumabay, dahil obviously dala ni Haechelle 'yung kotse namin." Kinuha niya ang cellphone niya from his pocket bago tumingin uli sakin. "I also received a message from our Leader, nauna na din sila sa mansion niyo." "What?! Paano tayo makakaalis niyan?" "I'm with my car, we'll use that." Fine, wala na akong choice kung hindi bumyahe kasabay 'tong abno na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD