Episode 4

1987 Words
Jinky Luhannah's POV "Anong eksena 'yon?" Tanong ko kay Haechelle pagkapasok niya sa kotse, I'm talking about their chikahan sa labas ni Jam. "Pinagsasabi mo diyan?" taas kilay naman niyang balik sakin. Kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. "Sus echosera ka, nakita kaya namin ni Rodelyn kinakausap mo yung Jam na 'yon. 'Di ba Rod?" bumaling ako sa back seat para ayaing maki-join si Rodelyn sa pangi-intriga kay Haechelle. Kaya lang ang bruha nakapikit, at dinig ko ang pantay niyang paghinga- natulog na nga ang bruha. Tulugan ba naman kami?! "Ay baklang 'to, natulog na pala." "Hayaan mo, pagod na ata. Hindi naman matagal 'yan." Sabi ni Haechelle habang nagsi-seat belt. Sinimulan ko na lang buhayin ang makina ng sasakyan, jusko ang ganda ganda ko pero ginawa lang akong driver sa kwentong ito. When will life be easier? "Jinks." Lumingon ako kay Haechelle sa shot gun seat nang magsalita siya. Nakatingin naman ang bruha sa labas na akala mo may papapala siya. Tawag tawag pa ako 'di naman nakatingin, agik din eh. "Ano namang drama 'yan? You know it's rude not to look at the one who you're talking with." "I'm sorry." "Ay kaloka 'to, jino-joke lang kita!" "No, I am really sorry. I really screwed everything up." This time ay lumingon na siya sa akin, na may malungkot na tingin. Jusko naman ulit, bakit kailangan mag-english? "Ano ngang drama 'yan? May gusto ka bang sabihin?" I asked her. Umiling siya sakin at tumingin sa harapan niya. "No, I don't even know when will I ever be ready to face the truth." Yumuko siya sa mga kamay niya't pinaglaruan 'yon. "You might loath me for that, forever. You will all do." Wala akong nasabi. Hindi ko kasi siya maintindihan. Hoy! Hindi dahil sa english 'yon ha kaya wala akong naiintindihan! Hindi ako boba! >< Talagang hindi ko lang gets kung anong tinutukoy niyang tinurnilyo niya raw na magiging sanhi ng matinding galit namin sa kaniya. The last time I check naman ay wala kaming sirang appliance sa bahay para i-kumpuni niya?! "Let's just leave, sayang gas." Agad akong kumilos dahil sayang nga ang gas, kanina pa ako nakapag-start pero kanina pa din kami hindi umaandar. "Ikaw naman kasi may paganyan ganyan ka pa! Alam mo namang never kaming magagalit sa'yo eh." Sabi ko sa kaniya tsaka nag-maniobra. "Soon you will." Bulong niya, more to herself dahil sa labas nanaman siya nakatingin. Hindi na ako sumagot dahil- wala lang ayoko lang. "Haecheeeeeeelle!" Bungad agad samin ng isang bakla na halos lumabas na ang lalamunan sa pagkatinis ng boses niya.  "Baklaaaaa!" Isa pa 'to si Haechelle. Kala mo kanina hindi namomroblema kung makatili ngayon. (¬_¬) Nagkatinginan nalang kami ni Rodelyn nang magbeso silang dalawa. Oo gising na si Rodelyn, isang sampal lang naman katapat niya, at hindi niya kailangan malaman na sinampal ko siya para magising. Hehe.  "Oh ano ang ating Mayday Beauty Alert te? Wala pa naman ang shedule mo today ha?"  "Yes sis it's not me today, she'll be." Humarap siya samin ni Rodelyn. "Bakla, meet Jinky Luhannah Park, and Rodelyn Kaigela Bartolome. Siya ang may birthday." She presented us pero imbis kay Rodelyn lumapit ang bakla dahil siya ang may birthday ay sakin siya humarap. "Wait te! Korean ka? Park? Kaano-ano mo si Sandara? Si Bom? Chanyeolie my loves? Si Jimin-ah? Si Joy? Si-"  Niyuyugyog naman ako nung bakla habang sunod-sunod na nagtatanong. The nerve of this creature to touch me!  "Ah! Ah- wait. Sandali lang!-" tinigil niya yung pagyuyugyog sakin. "Hawakan mo pa ako ulit, kakalbuhin ko buong katawan mo!"  Nanlaki ang mga mata niya bago tinakpan ang private part niya kahit nakapantalon naman siya. Aba talaga nga naman!  "Sis nagtatanong lang naman ako eh, baka lang naman may kamag-anak kang kpop."  Hindi ko mapigilang itirik ang mata ko sa asar sa kaniya. "Paano ako magkakaroon ng kamag-anak na genre aber?! Hindi na nga ako tigilan nila Rodelyn sa parking lot, tapos ikaw naman music genre?!"  Dinig ko ang mahinang tawa ni Rodelyn at Haechelle. Aba tignan mo 'tong dalawang 'to?! Tuwang tuwa pa?! Mamaya sila sakin, I first need to deal with this creature in front of me.  "Fine I'll tell you one, pinsan ko si Joy ng Red Velvet. Okay na?"  Muling nanlaki ang mata niya, this time bibig na niya ang tinakpan niya. Nako pasalamat siya, walang ibang nakakaalam non maliban kay na Haechelle!  "Oh my gosh! Pwede bang makahingi ng hininga nila?!" biglang kapit naman niya sa braso ko dahilan para ambahan ko siya ng suntok. Agad naman siyang hinila ni Haechelle palayo at hinawakan naman ako ni Rodelyn. "'Wag mo nga akong pigilan Rod! Titigilan ko na pag-hinga ng isang 'yan!" nagpupumiglas pa din ako sa hawak ni Rodelyn nang gumitna naman si Haechelle. "Luhannah that's enough. We need to keep going, may party pa tayo mamaya." She faced the creature na nakatungo sa kaniya. "As I was saying, Sacrlette, dear I need you to fix Rodelyn for her party." Tsaka siya bumaling kay Rodelyn na nakakapit pa rin sakin. Tinignan niya ulit si Rodelyn, bahagya pang tumagilid ang ulo niya na parang ine-examine si Rodelyn.  "Eh wala naman kaming surgery dito Haechelle." Sabi niya.  Mula sa paga-awat sakin ni Rodelyn na sapakin 'tong creature na 'to ay siya naman ang sumugod. Si Haechelle naman ang umawat ngayon.  "Haechelle, wag mo 'kong pigilan! Sa ganda kong ito! Gagawin kong bopis yan!"  "Jinky, kamusta na sa mansion?" Tanong ni Haechelle sakin. "Mansion pa rin naman." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw ang kakalbuhin ko makikita mo." After na ma-instruct ni Haechelle yung Scarlette kung anong look ang gagawin ay umalis na rin kami ni Haechelle sa salon, kaming dalawa na lang ang mag-me-make up sa sarili namin mamaya. May iba pa kasi kaming kailangan asikasuhin para sa party.  "Chill na-text ko na sila dun. Papunta na rin ang section natin don any minute. And I still can't accept na nag-cutting tayo ngayo."  Sinamaan naman ako ng tingin ni Haechelle bago sumagot.  "Kala mo talaga napakabait mong estudyante." "There's no doubt in that darling, most kind kaya ako nung grade 2."  Tinarayan naman niya ako this time, ano bang problema nito eh nagsasabi lang naman ako ng totoo?  "Ang dinner bukas?" tanong niya ulit pagkapasok namin ng Department Store. "I've already sent the e-mail, bukas ang flight nila. Nakakapagtaka nga na minamadali nila ang dinner na 'yon, hindi ba uso sa kanila ang jet lag?" Kibit balikat lang ang sagot sakin ni Haechelle at ipinagpatuloy nalang ang pagtitingin sa paligid para maghanap ng regalo kay Rodelyn. Naii-stress nga ako eh, tutal naman nasa Candles kami bakit hindi nalang yung kandila ang iregalo namin? Gagastos pa psh. "Speaking pala Haechelle." Huminto ako sa paglalakad kaya huminto din siya. "Kulang ng apat yung 18 Roses eh." Kamot ulo kong sabi. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sigaw niya sakin, napatingin tuloy yung ibang namimili samin. "Eh ang ganda ko kasi." Sagot ko kaya masama niya akong tinignan. "Charot! Kaninang umaga ko lang nabasa yung text ng tatlong pinsan ni Rod eh, may compulsory na Christmas Ball sila. Si Kuya Jonel naman may thesis na tinatapos, sa sabado daw deadline kaya 'di niya pwedeng hindi gawin, pati nga sa dinner hindi daw siya makakasama eh." "Tsk, pahamak naman, anong gagawin natin?" "Kanina nung nasa BGI tayo sasabihin ko na sana sa'yo para si Kuya Julius nalang ang isang kapalit, tapos hatak nalang tayo ng ibang taga-BGI kaso ayon daming happenings kaya naudlot at nawala sa isipan ko." Hello, nakakalimutan ko pa rin ang ibang bagay kahit maganda ako 'no. "Okay, I'll just call him nalang." Tsaka niya kinuha ang cellphone from her purse. Saglit siyang nagpipi-pindot don bago inilagay ang cellphone sa tenga niya. After a few seconds ay nagsalita na rin siya. "Kuya Julius, we need some help." She said bago ini-loud speaker ang phone para marinig ko rin.  [What can my handsomeness do for you?] Totoo nga ang sabi ni Rodelyn, kung hindi lang karespe-respeto 'tong si Kuya Julius nakalbo ko na sana 'to. "Ay nako Kuya Julius, etong bad trip ako sa bakla kanina ha. Gusto mo ata na sa'yo ko ipasa ang sapak na dapat sa kaniya." Sabi ko, dinig naman ang tawa niya sa kabilang linya. [Sorry Jink, kanina pa kumukulo dugo mo ha. Baka mamaya si Haechelle ang masapak mo niyan?] "Subukan niya lang." masama akong tinignan ni Haechelle. Aba ano namang ginawa ko?! "Ikaw Kuya Julius binabalak mo talagang mag-friendship over kami ano?! Ang sama na ng tingin sakin ni Haechelle, mukhang siya pa ata ang sasapak sakin!" [Easy girls! Ano ba kasing kailangan niyo?] "Invited ka sa party ni Rhodelyn." Panimula ni Haechelle. [Invited naman talaga ako.] "I mean, isa ka na sa mga 18 roses." [Ano yun, yung isasayaw yung debutant?] Hindi ko mapigilang magtaray sa sinabi ni Kuya Julius. "Oo kung tanga ka kasi di mo alam." [Hoy Jinky! Baka nakakalimutan mo kung sinong kausap mo!] "Oo kung tanga ako. Eh kaso hindi eh. Pa'no bayan?" -_____- [Aba't-] "Tama na nga 'yan! Kuya Julius, kailangan pa namin ng tatlo. Suggest ka naman."  Edi manahimik. Amp. [Sila Mark Niwel.] No freakin' way, highway. "What? No! Hindi pwede! Pwede ba Kuya Julius, spare this day from BGI." Sabi ni Haechelle. [Chill. Nagsusuggest lang naman. Grabe naman sa spare e buong bakasyon nga wala kayo sa BGI?! Tsaka sila lang ang convinient for me para maisama eh-] "Okay, okay. Ikaw na ang bahalang mag-inform sa kanila." Tsaka niya binaba ang tawag. Wow ang bilis ha. "Now what?" Tanong ko. "Talon ka dun. Diretso Ground Floor." "Sungit. Ikaw magsabi niyan kay Rodelyn ha. Sapakin kita eh." Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Joke lang!" After naming bumili ng regalo ni Haechelle ay dumiretso kami sa kukuhanan namin ng cake ni Rodelyn. Pina-sadya talaga namin 'yon kaya hindi pwedeng i-check namin bago ang party. After ma-settle ng cake ay yung gown at heels naman niya ang inintindi namin na sadya din, pero ang mommy ni Rodelyn ang nag-pasadya, taga-pick up lang talaga ang ganap namin.  "Never talaga tayong dinisappoint ng taste ni Tita Fatima 'no?" sabi ko kay Haechelle nang makalabas kami sa botique. "She's a fashionista after all." Sagot sakin ni Haechelle, 'di ba 'to napapagod kaka-english? Yung author kasi pagod na eh. "Ay teka, babalik na ba tayo sa salon?" "Oo, we need to check on Kaigela. Tsaka kailangan natin ibigay 'yang gown para masuot niya mamaya. Babayaran ko na lang time ni Scarlette para siya muna umalalay kay Rod dahil kailangan pa natin asikasuhin sa mansion." "Ang dami mo namang sinabi Haechelle, oo o hindi lang naman sagot sa tanong ko."  Muli nanaman akong sinamaan ng tingin ni Haechelle, nakakailan na 'to ngayon ha?! "Ewan ko ba bakit kita naging kaibigan!" tatalikod na sana siya sakin pero hinawakan ko siya sa braso tsaka ko nilagay sa kamay niya yung paper bag. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.  "Ayaw ko bumalik don baka ma-dissect ko ng wala sa oras 'yong baklang 'yon. Maging Scarlette talaga siya."  Tsaka ako naglakad sa kabilang direksyon at dumiretso sa supermarket. Gustuhin ko mang mag-shopping dahil sa bad trip ako, alam kong hindi excuse 'yon para batukan ako ni Haechelle. Kaya mamimili na lang ako ng skin care, dahil siguradong maha-haggard ang beauty ko mamaya. Nasa kasagsagan ako ng pag-pipili ng pipino nang may bumulong sa tenga ko.  "If you were a vegetable, you are a cute-cumber."  Sasapakin ko sana 'yon dahil sa gulat ngunit nang makita ko kung sino ito, naihampas ko nalang sa ulo niya yung pipino tsaka nilagay yon sa basket na dala ko tsaka umalis.  "Ouch teka ang sadista mo ha! Nananahimik 'yong cucumber eh!" habol niya sa akin. "And so am I so leave me alone!" sigaw ko sa kaniya kaya napatingin 'yung ibang namimili sa amin. Jusme after sa department store, dito naman ngayon. Baka i-ban na ako ng mall!  "Sorry na babe!" Habol niya pa ulit sakin nang maglakad na ako papunta sa cashier. Tinatamad na ako magliwaliw dito sa supermarket dahil may nakakalat na asungot. Pero bago pa ako maka-abot don ay may nabangga ako. Hindi ko nakita dahil wala siya sa line of sight ko kaya tumingin ako sa baba- only to find out na isa 'tong batang lalaki at umiiyak?!  "Mommy..." Now what? Pagkatapos ng asungot, isang batang lalaki naman na anak ko daw?! Nako birhen pa ako ha!  "Come here baby, inaaway tayo ni Mommy ano?" Jusme andito pa pala itong magandang ito- ay ano ba! Hindi ko kailanman matatanggap na mas maganda siya sa akin! At ano daw? Sinong mommy ang tinutukoy nito? Ako ba? Anak niya ba 'yan?  Sumagot nga kayo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD