Episode 3

2870 Words
Rodelyn Kaigela's POV Paakyat na ulit sa room after ng scene sa Gymnasium, nang makatanggap kami ng text. Actually, ako at si Haechelle lang ang nakatanggap. From: Kuya Julius Good Day Girls! I need your presence here sa BGI, we need to discuss something. And Happy Birthday, Rodelyn! "Ang daya bakit kayong dalawa lang ang naka-tanggap? May favoritism na ngayon 'tong si Kuya Julius?!" Reklamo naman ni Jinky bago niya silipin yung hawak niyang cellphone. "Ay, naka-Airplane mode nga pala ako." Tinawanan nalang niya sarili niyang ka-shungahan. "I guess we need to skip class today." Sabi naman ni Haechelle. Ha? Lagot kami kay Ma'am Rabi kapag ganoon! "Eh Haechelle, hindi naman siguro tayo magtatagal doon. Bumalik nalang ulit tayo dito. Sabi ni Ma'am kanina na wala dapat mawawala 'di ba?" Haechelle shrugged before answering me. "Tinatamad na ako pumasok, tsaka we still need to fix things para sa party mo mamaya." Binaba na niya ang cellphone niya from her sight before looking at me. "And since marami pang time for that, let's visit our friends in BGI as well. I miss my bow." Nagsimula na siyang tumuloy sa room naming kaya sumunod na kami ni Jinky. Pagpasok namin sa room ay nag-diretso kami sa arm chair naming para kunin yung mga gamit namin tsaka kami naglakad uli palabas. Habang naglalakad kami sa corridor para bumaba, nakasalubong din naming yung tatlong transferees. Wala namang pansinang naganap, hindi naman kami close 'no. Pero hindi ko pa rin naiwasang tignan yung Mark. Bakit laging masama ang tingin non? May galit ba siya sa mundo? Nagdiretso kami sa Parking Lot para sumakay sa kotse. Si Jinky na ang magma-maneho dahil tinatamad daw si Haechelle. Habang ako chill chill lang sa likod. Bago pa makaalis yung kotse namin sa pagka-park, namataan ko nanaman yung tatlong lalaki na pababa na din ng building. Uuwi na ba sila? Dala rin kasi nila yung mga bag nila eh. Tsk first day na first day nila ay magcu-cutting agad sila? Bad impression, mga gwapo pa naman. Teka, kung makapag-salita ako parang hindi cutting 'tong gagawin namin ah? T_T Si Kuya Julius ang coach namin sa BGI. And Battleground Incorporated is an agency na tumutulong sa gobyerno na puksain ang mga kriminal na hindi kaya ng police force. We are trained there para makipaglaban at makipagtalinuhan sa iba't ibang gang at mafia sa bansa. "Good afternoon girls! What's up?" bati ni Kuya Julius samin pagka-pasok namin sa office niya na nasa underground pa ng building. We settled ourselves sa sofa na nakaharap sa table niya. He's sitting pretty at his swivel chair. "Eto Kuya, maganda pa rin!" sagot ni Jinky, kinotongan ko naman siya. "Aray Kaigela! Ano ba'ng problema mo?" Masama ang tingin niya sakin. "Tumigil ka, mas maganda si Justin sa'yo." Mahina namang tumawa si Kuya Julius sa amin bago nagtanong. "Justin? May bagong transfer nanaman sa Central? Gaano ba ka-ganda 'yan? Single?" "Alam mo Kuya Julius kung hindi ka lang ka-respe-respeto dito, na-kotongan na rin kita." I rolled my eyes at him. Tinaas naman ni Kuya Julius ang kamay niya bilang pagsuko at bahagyang natawa. "Chill! Nagtatanong lang naman eh. Bakit parang hot na hot kayong tatlo ha? May nangyari ba?" "That ching chong Justin happened." "And who is that Justin naman Jinky? Mukhang hina-high blood ka ng kung sino man iyon ha?" She rolled her eyes before answering. "Kainis eh! I mean, how can a lad be that pretty 'di ba?" agad na napataas ang kilay ni Kuya Julius nang marinig 'yon. "Lalaki pero maganda? Iba nga 'yan." "At ang pinaka-nakakaloka, ay mga ka-birthday namin sila." "Now that's something." Ngayon naman parang naka-shabu si Kuya Julius kung makatingin sa amin. "Destiny ata kayo." Ako naman ang nag-taray ngayon. "Pang-ilan na 'yan sa araw na 'to! Tama na ayoko na. Tsaka isa pa, magkasunod lang si Haechelle at 'yong Jam na may eyeliner eh." Umayos na ng pagkaka-upo si Haechelle mula sa paghilig niya sa armrest ng sofa. "Cut the crap, anong kailangan pag-usapan Kuya Julius?" Umayos na rin kami ni Jinky. "How's your on-going mission?" pinagsaklop ni Kuya Julius ang mga palad niya habang nakatingin sa amin. He's talking about the underground society na matagal tagal na ring misyong puksain ng BGI, 5 months I guess? Our group was one of the three groups na naatasan sa kani-kaniyang hakbang sa pag-giba nito. "We need a break from them, mukhang nakakahalata na sila sa amin. Masyadong maraming illegal weapons ang nabili namin last time, they're asking what's the purpose. And I almost lost my track." Report naman ni Haechelle. "I see, minamadali na tayo ng administrasyon dahil nababahala sila sa pagbilis ng transactions underground. The other group is also having a hard time controlling some matter." "While the other one?" taas kilay namang tanong ni Haechelle pabalik. "Well, they are doing real good." Tumalikod si Kuya Julius samin with his swivel chair. "I never thought that they will be that good. But I shouldn't be surprised." Tsaka siya humarap ulit sa amin. Sumandal muna sa sofa si Haechelle bago magsalita. "I'm really curious about them. Kelan namin sila mame-meet?" She's always curious about the other group, well lahat naman kami. Ang alam lang kasi namin ay sa South Korea sila naka-destino talaga, napunta lang sila dito sa Pilipinas for that certain mission na tungkol nga sa Underground. But we never had the chance to see them, ni hindi nga namin sila makita dito sa building. And now mababalitaan namin na they are doing good, habang kami ay medyo nahihirapan, it made us more curious about their existence. "As soon as the missions end. Mr. Quero might throw a big party dahil malaking achievement 'yon para sa BGI Philippines." Kibit balikat niyang sagot.  "Let's end with that, just make sure na tama ang mga magiging galaw niyo." Yumuko siya ng konti, and opened a drawer beside him. May kinuha siyang brown envelope mula dito. Nangunot ang noo ko nang makita ang nakaimprenta sa upper left nito. "Mission Impossible?" hindi ko na napigilan ang sarili ko na masabi 'yon. Iyon kasi ang nakasulat. "Does that exist sa BGI? I have never heard of that." "Well, you see one so I guess it does." Inabot niya kay Haechelle ang tatlong bond papers na laman ng envelope. Dinistribute naman ni Haechelle yung dalawa sa amin ni Jinky. "What the actual pak is this?" react ni Jinky kaya agad na napatingin ako sa papel na hawak ko.  MISSION IMPOSSIBLE: Walang Forever - You are required to perform this mission with Mark Niwel Roque, Jericho Andrei Michael Santos and Justin Kaile Gomez.  - You should make them love you. - Break up with them.          "Indeed, what the actual pak is this." Tinignan ko si Kuya Julius na ngayon ay nakatalikod nanaman sa amin. "What does it has to do with the government and Philippines?" Alam 'kong hindi ako nakikita ni Kuya Julius pero hindi ko maiwasang hindi mapakunot ang noo ko. "It's a directive from the upper." Hindi pa rin humaharap sa amin si Kuya Julius. "I was also surprised, but I don't have a choice to ask." "What's the catch?" Napalingon kami ni Jinky kay Haechelle nang sabihin niya 'yon. Pumapayag na ba siya? Hindi man lang ba siya magtataka? Gutom nanaman ata 'to eh! Kuya Julius turned his seat to face us again before answering. Malaki ang ngiti nito. "Kapag napagtagumpayan niyo ay tapos na ang lahat ng trainings niyo, official na kayo sa Ring of Fire, at isa sa pinakamataas na ranggo." Kami naman ang nagkatinginan ni Jinky. Masyadong mind blowing ang kondisyon! Para sa ganitong misyon ay matatapos na ang trainings namin, magiging opisyal pang miyembro ng Ring of Fire! Ang Ring of Fire ang tawag sa mga grupo sa BGI from all over the world na pinakamagagaling, at dalawa pa lang na grupo ang nasa Ring Of Fire dahil hindi basta basta ang maging isa sa mga ito. Tanging may mataas lang na ranggo ang pwedeng maging Ring of Fire, tulad ng sabi ni Kuya Julius, kasama 'yon sa kondisyon. Isa pang mangyayari ay mas hihirap ang misyon namin! Pero kung ikokompara mo naman siya sa dapat naming gawin, hindi ba't parang sobrang dali lang?! At again, walang kinalaman sa gobyerno't Pinas! "We won't be taking it Haechelle, won't we?" tanong ni Jinky kay Haechelle na kay Kuya Julius pa rin ang tingin. Kaya hindi niya sinagot ang tanong ni Jinks. "What if we don't accept it?" "The order was for you to accept it. Kaya kung tatanggihan ninyo ay matatanggal kayo sa BGI." Napatayo ako sa sinabing 'yon ni Kuya Julius. That can't be! There's nothing special with this mission para maging ganito kabigat ang kondisyones! Tumayo na rin si Haechelle at ibinalik kay Kuya Julius ang papel kaya ginawa na rin namin ni Jinky. "We'll think thorough of that." Naglakad na si Haechelle para lumabas ng kwarto, susunod na sana kami nang magsalita si Kuya Julius. "Yes you should Nuhesia, but you know you can't get away with it."  "Putang ina anong ginagawa niyo dito?!" Pagkalabas namin ng office ni Kuya Julius ay dumiretso kami sa Weapons Room at hinanap ang kani-kaniya naming babies. When Haechelle said na we should visit our friends in BGI, she's pertaining to our beloved weapons. Hawak niya ang classic bow niya, dahil nga sight ang ine-enhance ni Haechelle ay nagfocus siya sa long range weapons. Kinuha ko naman ang espada kong si Sofia, nagdalawang isip naman ako kung kukunin ko pa yung mga dagger ko pero naisip ko na next time nalang. Si Jinky walang weapon na focus, she can use whatever she like dahil combat naman ang skill niya. Pero dahil na-miss ko si Sofia, sinabihan ko siyang mag-sword fight kami.  Pero pagdating namin dito sa Training Room namin ay may nagsa-sparring na sa loob. At kaya napa-mura si Haechelle ay iyong tatlong transferees ang mga iyon. Nagsa-sparring si Jam at Justin sa gitna ng kuwarto habang prenteng tinitignan ni Mark ang isang- isa 'yon sa mga punyal ko ah?! San niya nakuha 'yon? "We're also a part of Battleground Incorporated, aren't we allowed to use a Training Room?" sambit ni Justin habang naka-head lock kay Jam, na walang salamin ngayon. "This! Is ours! Training Room namin ito! At ikaw!" turo ko kay Mark na umayos ng tayo dahil kanina nakasandal siya sa isang table sa sulok. Nilapitan ko siya at kinuha ko sa kaniya ang punyal ko. "Bakit hawak mo ang punyal ko?!" Agad namang sumama ang tingin niya sakin. I mean, nakakunot na talaga ang noo niya habang tinitignan ang punyal ko kanina, lalo lang kumunot nang kinuha ko ito sa kaniya. "That's yours? Iiwan iwan mo dito tapos magtataka ka kung bakit hawak ng iba, you should keep you things at place, wag kang burara." Iniwan niya akong naka-nga nga at lumapit sa dalawa niyang kasama. Tumigil na sa pagpupumilit na makaalis sa head lock si Jam dahil pinakawalan na siya ni Justin bago sila pumwesto sa gilid nang hambog na Mark na 'yon. Eh kung ihagis ko kaya sa kaniya 'to ngayon?! "You have your training room? You seemed to be powerful. What's your group's name?" Maangas na tanong ni Mark kay Haechelle. Kapansin pansin na mahigpit ang hawak ni Haechelle sa busog at bag niya ng palaso. "Why do you care?" Masama ang tingin ni Haechelle sa pagtatanong. "I don't, I just need to know." Masama rin ang tingin ni Mark. "I am not obliged by you." Ngumisi yung mayabang na Mark. Magpapa-party na sana ako dahil sa wakas ay nakita ko ring tumaas ang labi niya sa araw na 'to, kaso ngisi 'yon eh at nakaka-asar lalo. "I have my own ways. You don't know who you are talking with." "Oh I almost perfectly knew you. It just happened that you won't do anything good in our lives." Lalong humigpit ang hawak ni Haechelle sa bow niya. Naglakad si Mark sa kabilang side ng room, parallel sa pwesto ko, kung saan may sofa at may nakapatong na- crossbow ni Haechelle?! Bakit ba ang burara namin?! Ay! Bakit aminado ako sa sinabi ng Mark na 'yon?! Asar! "Well if you not want to tell me, might just test you nalang. This isn't my baby, but I can manage." Naging mabilis ang mga sunod na pangyayari. Walang ano anong tinutok ni Mark kay Haechelle ang crossbow at pinakawalan ang palaso nito, mabilis itong naglandas sa pwesto ni Haechelle but Jinky managed to pull Haechelle from her position para makaiwas at ni-ready ang sword na hawak niya. I immediately shot my punyal in Mark's position ngunit nagulat ako nang sipain ito ni Justin in the midair kaya tumama sa pader ang punyal ko. Much to my amusement ay may naramdaman akong tumusok sa braso ko at nang lingunin ko ito ay may nakita akong karayom na nakatusok sa my beloved skin! What the heck! Baka maging peklat ito! Pero bago pa man ako makaganti sa kung sino mang lapastangan, ay nakaramdam na ako ng hilo. Ah I got it, it's a sleeping needle for pete's sake! Maaga pa para sa beauty sleep! "Whoops sorry." I heard someone said at napatingin ako dito, si Jam. Hindi malinaw ngunit kita ko ang kinang ng tatlo pang needles in between his fingers. Tumakbo sa direksyon ko si Jinky para alalayan ako dahil nanlalambot na ang tuhod ko. "It won't hurt you don't worry, mahihilo ka lang. Depende na lang kung pagod ka para makatulog ka." "What the heck! Are you going to kill us?!" sigaw ni Jinky sa kanila. "No we won't, maganda rin na minsang i-check ang capabilities ng ibang groups sa BGI. Especially your group because it seems you're special for the Philippines." Kahit hirap ay pinilit ko pa ring bumalik sa senses ko, nanlalabo ang paningin ko pero nakikita ko ang paggalaw ni Mark mula sa kabilang dulo ay lumapit siya kay Jam na nananatiling nasa gitna ng kuwarto. "And I guess right, you are something." Dagdag pa niya. Inalalayan ako ni Jinky palapit sa pwesto ni Haechelle malapit sa pinto. Lumapit naman si Justin sa dalawang niyang kasamahan bago sila sabay sabay na lumapit sa harap namin. Hirap na akong gumalaw kahit gustuhin kong maging alerto. But I still kept my senses up, jusko naman feeling ko makakatulog ako nito eh. "Don't worry, we aren't enemies." Sabi ni Justin. I heard Haechelle scoffed. "You just made, no one dares to attack us unless wants us dead." Sagot niya. "I told you, I was testing you. Ayaw mo kasing sabihin ang pangalan niyo eh. No one dares to disobey me." Muling ngumisi 'yong mayabang na Mark. Aish, buburahin ko yang mukha niya eh makikita niya na lang! "f**k off, Niwel." Sambit ni Haechelle bago umalalay sakin tsaka kami tumalikod para lumabas ng Training Room at iniwan na sila. Mahirap na baka bumalik agad ang lakas ko at ubusin sila. Charot, mukhang hindi rin sila basta basta. They're as fast as lightning! "Anong nararamdaman mo Rod? Gusto mo ba munang magpahinga?" tanong ni Jinky sakin naka-alalay pa din, nasa magkabilang gilid ko sila ni Haechelle na naka-alalay. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago sumagot. "I feel fine, medyo nanghihina lang." I honestly answered. Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla ko nalang naramdaman na umangat ako, the next thing I saw ay buhat na ako ni Jam, in bridal style. Takang taka ako pero ginamit ko pa rin ang natitira kong lakas para lingonin yung dalawa na naiwang naka-nganga, hindi rin ata makapaniwala sa bilis ng nangyari. Pero naka-recover pa din naman sila at hinabol kami ni Jam. "Hey! What do you think are you doing?!" sigaw ni Haechelle bago nila kami maabutan tsaka niya hinawakan si Jam sa balikat para huminto. "This is Mark's order." Sagot naman niya kay Haechelle. Maglalakad na sana siya ulit pero pinigilan siya uli ni Haechelle. "Put her down, kaya namin mga sarili namin." Matigas na sabi ni Haechelle. Tinignan muna ni Jam ang kamay ni Haechelle na nakakapit pa rin sa balikat niya bago nagsalita. "You are not my Leader." Sagot ni Jam tsaka nagtuloy sa paglalakad papuntang elevator. Wala na akong lakas para umangal, miski sumingit sa usapan nila kanina kaya hinayaan ko nalang. Hindi naman siguro niya ako isa-salvage no? After all, nasa BGI pa rin kami. "I'm sorry ulit para sa kanina, wala naman kaming intensyon na saktan kayo. Power trippings lang talaga si Leader." Bahagya akong nagulat nang mag-salita si Jam habang nasa elevator kami. I chuckled a bit and managed to answer him. "Alam mo for a Leader like him, you are quite nice." It's his turn to chuckle pero hindi na niya ako sinagot, umiling iling nalang siya. Buti naman din, feeling ko kasi bumababa ang blood level ko sa panghihina eh. Nang makalabas kami ng building ay wala na talaga ako sa mood na magsalita kaya pinupuntahan niya nalang kada-kotseng naka-park at umiiling nalang ako kapag hindi 'yon ang kotse namin. When we finally found our car, naghintay muna kami saglit kay na Jinky at Haechelle dahil wala naman sakin yung susi para makapasok kami. Hindi naman naging matagal, dumating rin sila Jinky at Haechelle na masama pa rin ang tingin kay Jam. Nilapag na ako ni Jam nang marahan sa back seat. "Please do tell him thank you." Sabi ko kay Jam at ngumiti na lang ito sa 'kin bago isara ang pinto ng kotse. Nakita ko namang kinausap ni Haechelle saglit si Jam pero kapansin pansin ang nakakunot niyang noo habang nagsasalita, tumawa naman si Jam kaya binatukan siya ni Haechelle. "Ano kayang chika ng dalawang 'to?" sabi ni Jinky. Parehas kasi kaming nasa loob na ng kotse at 'di namin alam kung anong sinabi ni Haechelle kay Jam para tumawa ito. Malamang hindi namin naririnig eh hmpk. Pinagsa-walang bahala ko na lang at humiga sa back seat. Wala naman akong balak matulog pero dama kong bumigat ang mata ko pagkapikit ko, kaya nagpadala nalang ako sa dilim. Naks naman ang lalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD