Chapter Nine -Puritra- Alam kong wala magagawa ang galit ko kahit pa magmukmuk ako buong magdamang ay alam kong hindi naman ako susuyuin ng g*go kong among lalake. Hindi naman sag alit lang ako ngayon kung di dahil sa talagang ginutom ako nito buong magdamang at hindi man lang nito tinanong ang kalagayan ko kahit pa sabihing katulong lang ako nito. Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla na lang ito lumabas ng kanyang kuwarto nan aka boxer short at walang suot na mang-itaas na damit. “I want black coffee.” Utos nito sa akin at hindi man lang nito alintana na halos hubad na rin ito sa aking harapan. Napairap pa ako dahil sa ibang klase din ang lalakeng ito at mukha lang itong desente sa panglabas, subalit ugaling hayop ang nasa loob. Inabutan ko ito ng coffee na kanina ko pa rin naman timem

